Mas kilala man si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, unti-unti niyang binubuo ang sarili niyang pangalan hindi lamang sa vlogging kundi pati na rin sa pagkanta.
Sa kanyang pinakabagong music cover na “The Only Exception,” mararamdaman talaga ang pagmamahal niya sa pagkanta at dedikasyon na ipakita ang kanyang talento.
Matatandaang naglabas na rin ng ilang song covers si Yiv Cortez sa kanyang YouTube channel gaya ng ‘Terrified’ at ‘Ligaw Tingin’ na umani ng libo-libong views online.
Kasabay ng paglabas ng kanyang song cover, hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Yiv sa kanyang ate na si Viy Cortez-Velasquez, na ayon sa kanya ay suportado siya sa kanyang talento sa pagkanta. Minsan pa nga ay pinipilit siyang kumanta na naging dahilan kung bakit mas lumakas ang loob niya na mas mag upload ng kanyang pag-awit.
Sa kanyang bagong song cover, kaniya namang hinarana ang mga manonood habang inaawit ang ‘The Only Exception,’ isa sa mga hit songs ng bandang Paramore.
Sa cover na ito, mas nakikita ang ibang side ni Yiv—patunay na bukod sa pagiging kapatid ni Viy, may sariling boses at kwento rin siyang unti-unting hinuhubog bilang isang artist.
Samantala, ikinatuwa at ikinamangha ng marami ang tinatagong husay ni Yiv sa pagkanta, dahilan upang bumuhos ang pagbati at papuri para sa bunsong kapatid ni Viy.
@Rachelle CE: “Kung si Viy Cortez-Velasquez ay sumikat sa pag-vlog, si Yiv naman ay sisikat sa singing. Panalo ang boses!”
@Nichelle Ann Nabor Manrique: “Ganda talaga ng boses ni Yiv.”
@Cathy Ryn Ferrer: “Ganda ng mukha, tapos ganda pa ng boses.”
@Ella Pujante: “Ang ganda ng boses, kakakilig.”
@Airoliv Ynnej: “Effortless ang pag-sing—grabe, ang ganda ng boses, kasing ganda niya.”
@Manuel Ga-as: “Ganda mo, Yiv. Tangos ng ilong. Galing din kumanta”
Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…
Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…
Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…
What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
This website uses cookies.