Boss Keng Shares Realizations After A Daddy-and-Son Bonding With Isla

Isang heartfelt realization ang hatid ni Boss Keng matapos ang kaniyang intimate bonding kasama ang panganay na si Isla Patriel.

Alamin kung ano ito at kung ano reaksyon ng mga manonood tungkol sa kaniyang reyalisasyon bilang haligi ng tahanan.

A Reminder for All

Sa kanyang bagong vlog, tampok ang ilang bonding moments ng mag-amang Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, at Isla Patriel. 

Buong galak na sinamahan ni Boss Keng ang panganay sa kanyang pakikipaglaro sa pinsan na si Alona Viela.

Isinama rin niya ang bunso niyang si Ulap Patriel sa pakikipaglaro sa kina Isla at Viela.

Sa kabila ng kanilang masayang bonding, naging totoo si Boss Keng sa reyalidad na hindi sa lahat ng oras ay masaya ang bawat sandaling magkasama silang mag-ama.

Sa kalagitnaan ng vlog, nagpakita si Isla ng malungkot na emosyon matapos nitong hindi sumama sa pagkain. Isang malakas na iyak ang naging reaksyon niya sa kanyang Daddy Keng matapos siyang mapagsabihan.

Naisipan ni Boss Keng na pagbigyan muna ang anak sa kanyang gusto na maligo at manood ng telebisyon bago ito pakainin ng hapunan.

“Alam n’yo kung ano ang na-realize ko? Habang busy tayo sa paghabol ng ating pangarap, nandiyan pa rin ang ating pamilya na nagpapaalala na mas mahalaga pa rin ang simpleng saya,” reyalisasyon ni Boss Keng.

Dagdag niya pa, ang simpleng tawa at pagyakap ay nagturo kay Boss Keng na pahalagahan ang bawat sandaling kasama niya ang kanyang mga anak at asawa.

Screenshot

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang naantig sa kakaibang vlog content na handog ni Boss Keng.

@pammy_xx: “Super cute ng mga kiddos with Tito Mentos and Nelson. God bless sa inyo!”

@dinosaurbugerbuns: “Good job, need to set boundaries. Sabi ko nga sa mga anak ko eh hindi lahat ng bagay nakukuha sa iyak.”

@jeremeinpaulf: “Diyan talaga masusubok ang pasensya ng magulang, pag nagalit ang magulang at nakitang naiyak ang anak, parang nakakaguilty rin. Ang hirap.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

9 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

12 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

1 day ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

2 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

2 days ago

This website uses cookies.