Matapos ang kanilang matagumpay na paglipat, hatid naman ngayon ng Team Payaman member na si Burong ang pasilip sa kanilang tahanan.
Alamin ang mga pagbabago sa bagong bahay nina Burong at ilang kulitan moments ng Team Payaman.
Sa kanyang bagong vlog, hatid ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang mga tagpo sa loob ng kanilang bagong bahay.
Kasama niya ang kapwa TP member na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa pagbibigay ng ‘House Update’ sa mga manonood.
Ilan sa kanilang ipinasilip ay ang kanilang dining area at ang editing area kung saan isinasagawa ang pag-eedit ng kanilang mga contents.
Ipinakilala rin ng dalawa ang kanilang mga housemates na sina Nor, ang editor ni Burong, Edcel—ang kanilang house manager, at si Ban na editor ni Dudut.
Sunod naman sa kanilang ipinasilip ay ang kusina, kwarto, banyo, pati na rin ang kanilang terrace.
Matapos mapanood ang vlog, ipinahatid ng mga manonood ang kanilang pagbati sa bagong tahanan nina Burong at Dudut.
@ChristineAnneJayeOga: “Ang gaan na ng awra ng bahay niyo burs, aki and dut! Kudos sainyo at sa Editors di na baleng di kalakihan ang importante simple at puno ng magandang samahan. Congrats!!!”
@RylleyJane: “Indeed, hindi lang siya basta “house”, but it’s a home! Praying na someday, kami rin ni Hubby makapundar ng bahay!”
@mikecarique8068: “Pagtapos kay bossing kay Burs naman!”
@_risuwr: “Gumagrind na si idol Burong sa youtube a, gustong gusto namin yan. Keep it up doy (feeling close lang hahahaha)”
Watch the full vlog below:
Kumasa ang TP vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa ‘assistant and driver’ for a day…
Dahil sa hilig sa musika ni Cong TV, isang nakakakilig na supresa ang hatid ng…
Viyline Group of Companies is set to make waves this summer with an exciting Clearance…
Matapos ang halos isang taon, muling nagbabalik ang isa sa mga pinaka-favorite YouTube serye ni…
Dahil panahon na naman ng tag-init, may handog na fun activity reco si Ivy Cortez-Ragos…
In this scorching heat, refreshing your body is at the top of every ultimate self-care…
This website uses cookies.