Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at emosyonal na karanasan kaugnay ng kanyang naging operasyon sa tenga.

Sa kanyang bagong vlog, tinalakay ni Kevin ang mahahalagang impormasyong maaaring makatulong sa mga manonood na may katulad na nararamdaman, kasabay ng kanyang personal na kuwento tungkol sa pagharap sa takot, gastusin, at desisyong magpagamot.

Kevin’s Ear Condition

Sa unang bahagi ng vlog, ipinakita ni Kevin Hermosada ang kanyang emosyonal na reaksyon nang malaman niya ang posibleng halaga ng operasyon sa kanyang tenga. Kasama ang kanyang asawa na si Abigail Campañano-Hermosada at ang kanyang ina, nasaksihan ng mga manonood ang kanilang pag-uusap kung paano nila haharapin ang sitwasyon.

Kwento ni Kevin, matagal na ang problema niya sa tenga at posibleng inborn ang kanyang kondisyon. Noong mga nakaraang taon, nalaman na may butas na ang kanyang eardrum. 

Subalit ayon sa naging payo ng mga doktor noon, hindi pa kinakailangan ang operasyon at maaari pa itong gamutin sa pamamagitan ng ear drops.

Dagdag ni Kevin, isa rin sa mga naging dahilan ng kanyang pag-aalinlangan ay ang laki ng posibleng gastusin, lalo na’t noong 2009 pa lamang ay tinatayang umaabot na sa P60,000 hanggang P80,000 ang operasyon sa isang tenga.

Sa paglipas ng panahon, muling lumala ang kanyang kondisyon. Naranasan ni Kevin ang matagal na discharge sa tenga, hirap sa pandinig, at pakiramdam na parang may sipon sa tenga. Dahil dito, at sa pangungumbinsi ng kanyang asawang si Abi, nagpasya siyang magpa-check up muli.

Matapos sumailalim sa CT scan, unang lumabas na may cholesteatoma si Kevin, isang kondisyon na maaaring makasira ng buto sa loob ng tenga at magdulot ng pagkabingi kung napabayaan. 

Ayon sa kanya, kung sakaling kailanganin ang operasyon, aabot sa humigit-kumulang P250,000 hanggang P400,000 piso ang gastos para sa isang tenga.

Dahil sa laki ng halagang ito, nagsimula siyang maghanap ng karagdagang pagkakakitaan sa pamamagitan ng pag-aalok ng kanyang serbisyo sa editing at directing, kung saan maraming kliyente ang tumulong at nagtiwala sa kanya.

Surgery Journey

Gayunpaman, sa tulong ng kaibigan at sa kanyang rekomendasyon, nagpasya si Kevin na kumuha ng second opinion sa Quirino Memorial Medical Center. Sa muling pagsusuri, napag-alamang wala siyang cholesteatoma. 

Sa huling resulta ng operasyon, nakatanggap si Kevin ng malaking tulong mula sa Malasakit Center sa nasabing ospital, kung saan wala siyang ginastos sa kanyang pananatili, kabilang ang pagkain at gamot. 

Dagdag pa rito, nakatanggap din siya ng suporta mula sa kaibigan at kapwa Team Payaman member na si Cong TV sa panahon ng kanyang paggaling. 

Sa pagtatapos ng vlog, binigyang-diin ni Kevin ang kahalagahan ng maagap na pagpapatingin sa doktor kapag may nararamdamang problema sa tenga. Para sa kanya, ang maagang pagsusuri at tamang impormasyon ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang mas malubhang komplikasyon at mas malaking gastusin sa hinaharap.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

18 hours ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.