Sa isa na namang nakakatuwang content na hatid ng Team Payaman mom-and-son duo na sina Viy Cortez-Velasquez at Kidlat, muling pinasaya ng dalawa ang mga netizens matapos nilang kumasa sa viral “Laban Move” TikTok challenge ng Bonakid Preschool 3+.
Sa simula ay ipinasilip ni Viviys ang trending dance video kung saan ang mga bata ay taas noong nakiisa sa Bonakid Laban Move campaign.
“Ang cute! Sobrang cute ng mga bagets! Parang gusto ko ipagawa ‘to kay Kidlat,” aniya.
Bago pa man sumabak si Kidlat sa “Laban Move,” ready na agad si Mommy Viy para sa #LabanReady moment.
Hindi mawawala ang kanyang tested mom routine—ang paghahanda ng Bonakid Preschool 3+. Ibinahagi niya kung paano nakakatulong ang gatas na ito sa wastong timbang at tangkad ng mga batang 3 pataas, lalo na sa mga aktibong chikiting gaya ni Kidlat.
Habang umiinom si Kidlat, ipinahatid n’ya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mommy Viy na ikinatuwa ng kanilang mga fans.
Ipinakita rin ni Viy na ang Bonakid Preschool 3+ ay may growth nutrients tulad ng calcium at lysine, na tumutulong upang maging mas handa ang mga bata sa iba’t ibang activities at challenges habang lumalaki.
Sa pinakahuling parte ng video, si Kidlat na mismo ang bumida sa “Laban Move” challenge ng Bonakid.
With full energy at cuteness overload, ipinakita niya kung paano maging isang batang may laban. Perfect na ending sa isang wholesome mommy-and-son moment na muling nagpasaya sa mga netizens.
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…
This website uses cookies.