Muling pinatunayan ng resident baker ng Team Payaman na si Abigail Campañano-Hermosada ang kanyang galing pagdating sa pagbe-bake.
Sa pagkakataong ito, isang pet-friendly birthday cake naman ang inihanda ni Abi para sa furbaby nilang si Taeki.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Abigail Campañano-Hermosada ang mga hakbang sa pagbuo ng birthday cake ng kanilang alagang aso na si Taeki.
Bilang bagong atake sa paggawa ng content, isang silent vlog naman ang hatid ni Abi sa kanyang mga manonood.
Aniya, ito ang ika-limang taong kaarawan ng kanilang alaga kung kaya’t naisip nina Kevin at Abi na bigyan ng homemade sweet treat si Taeki.
Isa-isa ring ipinakita ni Abi ang mga ingredients na kakailanganin sa paggawa ng cake gaya ng harina, baking soda, canola oil, honey, itlog, at marami pang iba.
Bukod sa mga pangkaraniwang sahog, nagdagdag na rin si Abi ng carrots upang maging masustansya at pet-friendly ito.
Matapos halu-haluin, kanya nang inilagay sa cake molder ang ginawang cake mixture. Sunod n’ya itong ipinasok sa oven na may init na 175 degrees celcius sa loob ng bente minutos.
Matapos maghanda ng munting regalo para kay Taeki, isang taimtim na selebrasyon ang isinagawa ng pamilya Campañano-Hermosada para rito.
“Nawa’y habaan pa ni Lord ang buhay mo [Taeki]. I love you!” pagbati ni Abi sa alaga.
Bukod sa selebrasyon, dinala rin ni Kevin sa Taeki sa grooming store upang mapagupitan at malinis ang kanilang alaga.
Watch the full vlog below:
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
Just in time for the holiday season, B1T1 Takeaway Coffee is giving customers a treat…
Good vibes at cuteness overload ang hatid ng magkapatid na Tokyo Athena at Kidlat sa…
Team Payaman fans and wine lovers are in for a festive treat as the limited…
Sa kanyang bagong vlog, nagbalik ang Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar sa kanilang…
Sa isa na namang nakakatuwang content na hatid ng Team Payaman mom-and-son duo na sina …
This website uses cookies.