‎Team Payaman’s Clouie Dims and Chino Liu Share Their First Head Spa Experience

‎

Isang super relaxing na ‘SPAdventure’ ang ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang pinakabagong YouTube vlog, kasama ang kanyang Team Payaman buddy-of-the-day na si Chino Liu. Tampok sa video ang kanilang first-ever Head Spa experience na talaga namang much-needed!

Local Head Spa

‎Matapos nilang ma-miss ang pagkakataon na subukan ang head spa sa kanilang Vietnam trip kamakailan, nagpasya ang TP duo na bisitahin ang newly opened Ayumi BF Homes, Paranaque Branch na malapit lang sa kanila.

‎“Hi guys… Today, ang agenda namin ng aking ‘Auntie’ ay magpa-heads pa. So, isasama ko kayo sa aming bonding. Let’s go to Ayumi for a head spa,” sabil na ani Clouie. 

“Ito ‘yung pinagkait sa amin nung nag-Vietnam trip kami kasi wala na talaga kaming time,” dagdag pa niya.

‎Sinimulan nila ang kanilang head spa sa isang detalyadong scalp health analysis sa tulong ng mga staff ng nasabing wellness salon. 

Dito, natuklasan nila ang kani-kanilang scalp issues tulad ng oil imbalance at ang posibilidad ng psoriasis na isang mahalagang hakbang na nagpapakita ng holistic approach ng spa.

‎The Ultimate Pampering

‎Sa kanilang vlog, ipinakita nina Clouie at Chino ang kanilang 120-minutong treatment na binubuo ng thorough cleaning, conditioning, at paglalagay ng protein cream na may layuning pabutihin ang kondisyon ng kanilang hair and scalp.

‎

‎Bukod sa nakaka-relax na ambiance, mas pinaganda pa ang kanilang karanasan dahil sa kumpletong steam at masahe na talaga namang nagbigay ng therapeutic experience. 

‎Sa huli, hindi naman naitago ng spa buddies ang kanilang satisfied faces at buong puso nilang inirekomenda sa kanilang manonood ang very fun, calming, and soothing na head spa experience sa Ayumi.

‎

‎

Ayon kay Clouie, ang kanilang Hair and Scalp Treatment ay nagkakahalaga lamang ng PHP 2,500 para sa 120-minutong sesyon at aniya, ito ay “very affordable and super sulit.”

Ipinakita rin niya ang buong menu ng spa, na nagpapakita ng iba pa nilang abot-kayang serbisyo.

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

6 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

This website uses cookies.