Isang bagong pasilidad para sa mga mahihilig sa pickleball ang binuo ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa Bacoor, Cavite.
Sa kanyang bagong vlog, ipinakita niya kung paano nagsimula ang kanilang hilig sa laro at paano ito nauwi sa isang negosyo.
Sa unang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, na matagal na silang nahuhumaling sa paglalaro ng pickleball at naging inspirasyon ito para itayo ang kanilang sariling pickleball court sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay Boss Keng, ang Playhouse Pickle ay may tatlong courts na pwedeng gamitin anumang oras. Bukod sa sports, may mga pagkain at iba pang pasilidad para sa mga gustong bumisita at maglaro.
“Sa mga hindi po nakaalam, kami po ay nagtatayo ng negosyo. pickleball court. Meron tayong three courts. May pagkain, lahat-lahat,” ani Boss Keng sa kanyang vlog.
Habang ipinapakita ang progreso ng construction at unang meetings kasama ang staff, ibinahagi ni Boss Keng kung paano nila pinaghahandaan ang pagbubukas ng lugar, mula sa graffiti sa gate hanggang sa pagpaplano ng hiring at operations.
Bago pa man tuluyang mabuksan ang court, nagkaroon ng friendly tournament si Boss Keng kasama si Dudut, kung saan ipinakita nila ang kanilang abilidad sa laro.
Matapos nito, makikita rin ang dry run ng ilan sa TP members sa Playhouse Pickle, kasama sina Burong, Pat, Junnie Boy, Vien, Dudut, at Clouie.
Sa kabila ng ilang paunang laro, naipakita kung gaano kaganda ang lugar, pati na rin ang malinaw na ilaw at maayos na court setup.
Samantala, maraming netizens ang nagpakita ng suporta at tuwa sa pagbabalik ng Playhouse sa pamamagitan ng pickleball, at binati si Boss Keng sa kanyang bagong negosyo.
@Rachell-q9p: “Nakakamiss ‘yung mga palaro ni Boss Keng. Naalala ko lang since Pickleball game era siya. Hehe.”
@starpis17: “‘Yun oh. Nabuhay uli ang playhouse this time pickleball. Congrats Boss Keng and Pat!”
@andreareyes4059: “Congrats, Boss Keng!”
Watch the full vlog below:
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
This website uses cookies.