Netizens Pokes Fun of Yow Andrada’s Hilarious Skit in Recent Vlog

Isang nakakatuwang vlog na naman ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada, kung saan muling bumida ang karakter niyang si ‘Waldo’ bilang isang tindero ng itlog.

Sa kanyang bagong vlog, gumawa si Yow ng skit tungkol kay Waldo na nagkaroon ng trabaho bilang nagbebenta ng itlog sa gitna ng bird flu scare.

Waldo’s New Job

Sinimulan ni Yow ang kanyang vlog sa eksenang ipinakilala ni Mentos si Waldo sa may-ari ng mga itlog, dahil naghahanap ito ng trabaho. Agad naman siyang tinanggap at binigyan ng pagkakataong makapagbenta.

Pagkatapos noon, nagsimula na si Waldo sa kanyang unang araw bilang tindero. Nagbenta siya sa mga tindahan tulad ng bakery at naglako rin siya sa kalsada, kung saan may mga taong nakilala at nakausap niya.

Si Waldo ay naglakad-lakad at lumibot upang ibenta ang itlog sa halagang ₱5 kada tray — buy 1 take 1 pa! Todo-benta siya habang sumisigaw ng mga nakakatuwang linya sa mga dumadaan.

Kitang-kita rin ang pagtataka ng mga taong pinagbentahan niya dahil pagkatapos niyang ibenta ang tray ng buy 1 take 1 ay binigyan niya ng tray na may lamang itlog sa halagang ₱5 na siyang ikinatuwa ng iba at ikinagulat naman ng ilan.

Price Gone Wrong

Pagkatapos niyang maubos ang lahat ng itlog, bumalik na sila sa may-ari. Dito, nagkaroon ng nakakatawang eksena nang abutan lang siya ng ₱30, bagay na ipinagtaka ng may-ari.

Ipinaliwanag ng may-ari na ang presyo ay ₱145 kada tray, ngunit ang pagkakasabi ni Waldo ay “one for five”, bagay na ikina-stress ng may ari.

Sa vlog na ito, ipinakita ni Yow kung paano sa wakas ay nagkaroon ng trabaho si Waldo matapos ang ilang beses niyang paghahanap.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

17 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

17 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

5 days ago

This website uses cookies.