Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure

‎‎

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman mother-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at Kuya Zeus Emmanuel Velasquez a.k.a Kidlat, sa kanilang newest fun food trip bonding!

Inulan ng positibong komento ang first viral food adventure ng mag-ina noong nakaraang buwan sa isang kilalang restaurant. Kitang-kita rito ang husay niya sa komunikasyon habang siya ay lumalaki—isang bagay na lubos na ikinatuwa ng mga manonood.

‎Kidlat: The Veggie-Lover

‎Para sa panibagong episode ng ‘Food Adventure with Kidlat,’ masustansyang pagkain naman ang kanilang sinubukan! 

Dumayo ang mag-ina sa Heaven on Earth Vegetarian Center, isang lugar na kilala sa kanilang kakaiba at organic nilang mga putahe.

Bagamat kahawig ng fast food ang kanilang mga pagkain, ang lahat ng kanilang sinubukan ay gawa sa plant-based na sangkap. Kaya naman, tiyak na masustansya at guilt-free ang kanilang food trip bonding.

‎Talaga namang walang inurungan ang mag-ina sa kanilang mga naorder. Pinatunayan ni Kidlat na hindi lang siya basta kumakain, kung hindi isa siyang veggie-lover! 

“Hindi ako nag-aalala kay Kidlat pagdating sa mga gulay dahil kumakain talaga siya,” pahayag ni Mommy Viy. 

Bukod pa rito, nakakaaliw ang mga reaksyon ni Kidlat habang kumakain, na nagbigay-buhay sa buong mini vlog. Pinatunayan nila na ang ganitong klase ng bonding ang talagang nagpapasulit sa oras nilang magkasama.

Good job, Kuya Kidlat!

‎Bago matapos ang kanilang food adventure, nagkaroon ng Q&A session na pinangunahan ni Mommy Viy. Muling napatunayan ni Kidlat na siya ay responsive, thoughtful, at may natural na sense of humor.

‎Dahil sa kanilang adorable moments at sa epektibong pagpapalaki nina Mommy Viy at Daddy Cong, muling inulan ng mga papuri at nakakatuwang reaksyon ang video:

‎ “Ang very good talaga ni Kidlat! You are doing a great job Mommy Viy Cortez-Velasquez! Keep it up.”

‎ “More vlog pa with Kidlat!”

‎“Good sa veggies si Kidlat!”

‎ “More food adventure pa po kay Kidlat… Bitin Viviys! God bless you Kidlat!”

Angel Asay

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

6 days ago

This website uses cookies.