Chino Liu Welcomes ‘Sugod Nanay Gang’ Casts in Latest ‘Kags, Help!’ Episode

Sa pinakabagong episode ng ‘Kags, Help,’ ipinakita ni Chino Liu, kung paano niya hinaharap ang mga pang-araw-araw na problema sa barangay sa pamamagitan ng kanyang podcast.

Sa pagkakataong ito, bumisita sina Viy Cortez-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar mula sa kanilang serye na ‘Sugod Nanay Gang’ upang dalhin ang kanilang karakter at personalidad sa episode ng “Ang Alamat ng Ipil-ipil.”

Kags, Help! x Sugod Nanay Gang

Nagsimula ang episode sa agarang paglapit nina Viy Cortez-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar, a.k.a. ‘Nanay Lameg,’ kay Kags Chino upang ilahad ang problema ni Pat na pinapaalis sa kanilang inuupahang bahay dahil sa hindi pagbabayad ng renta.

Pinuna ni Kags Chino ang paglala ng sitwasyon dahil sa pagkakaroon ni Pat ng bisyo at iba pang libangan, ngunit pinakinggan rin niya ang paliwanag ng dalawa tungkol sa kakulangan sa pera at humihiling ng dagdag na panahon upang makabayad.

Sa gitna ng usapan, lumabas na si Viy pala ang tunay na pinapalayas sa kanilang bahay, habang si Pat ay nandiyan lang para magbigay ng suporta. Gayunpaman, nagpasya si Kags Chino na mag-solicit base sa suhestiyon ni Viy.

Matapos ang interaksyon, nagpatuloy si Kags Chino sa regular na segment ng Kags Help, na ipinapakita ang pang-araw-araw na problema sa barangay at ang kanyang paraan ng pagtulong bilang lingkod-bayan.

Listen Now!

Mapapakinggan na ang kaabang-abang na podcast na hatid ng Team Payaman content creator na si Chino Liu na ‘Kags, Help!’ sa mga sumusunod na streaming platforms:

Spotify: https://www.youtube.com/@KagsHelp

YouTube: https://open.spotify.com/show/26VlpdoUpV3yzHzBqRpI9o?si=Bay-a9HvQFq8ZXJ3tTSt3A

Manatiling naka-follow sa kanilang official Instagram page para sa updates at announcements na hindi mo dapat ma-miss!

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

8 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

2 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

3 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

4 days ago

This website uses cookies.