Perfect Smile Achieved: Burong Macacua Shares His ‘Dental BURSventure’

Talaga namang na-achieve na ni Aaron Macacua, o mas kilala bilang Burong ng Team Payaman, ang matagal na niyang inaasam na perfect smile matapos ang matagumpay na dental veneers process sa tulong ng Apostol Dental Cosmetic Center

Sa kanyang recently uploaded YouTube vlog, ibinahagi ni Burong ang kanyang “Dental BURSventure” mula sa pagsusuri ng kanyang dating ngipin hanggang sa final application ng veneers.

A YouTube-Worthy Smile

Kinailangan ni Burong na dumaan sa tatlong clinic visits upang makumpleto ang kanyang dental transformation. Nagsimula ang proseso sa initial consultation at paglalagay ng temporary veneers. 

“Ngayon nilagyan muna ng temporary [veneers]. Babalik tayo dito after 7-10 days,” paliwanag ni Burong sa kanyang vlog.

Matapos ang isang linggo, bumalik si Burong para sa tooth preparation. Sa kabila ng pangangamba dahil sa posibleng sakit na hatid ng dental process, buong tapang niya itong tinapos. “Tiis pogi lang, kaya ‘to”, aniya.

Ang ikatlo at huling bisita sa clinic, ay ang ang pinaka-inaabangan na final placement ng kanyang permanent veneers. 

Laking gulat niya nang bigla siyang binulaga at sinamahan ni Cong TV sa huling yugto ng proseso. “Wag kang kabahan. First timer lang ‘yan si doktora pero naturuan ko ‘yan!” biro pa ni Cong TV. 

Matapos ang mahaba-habang proseso, matagumpay na nailagay ang kanyang newly-transformed teeth. “Ang ganda, Pards!” ang agarang komento ng kanyang TP buddy na si Cong TV.

The Smile Makeover

Labis ang pasasalamat ni Burong sa Apostol Dental team. Samantala, aprubado at inkinatuwa naman ng kanyang Team Payaman family ang kaniyang teeth transformation. 

Sa kanyang YouTube upload, ibinahagi ni Burong ang malaking epekto ng smile makeover sa kanyang buhay:

“I finally got my dental veneers at Apostol Dental and it completely transformed my smile! In this video, I’ll share the full veneer process—from checking my current teeth to the final application—and how this smile makeover impacted me physically, emotionally, and professionally,” sulat ni Burong.

 “If you’ve ever wondered what it’s like to get veneers in the Philippines, this video shows the real process, the results, and how veneers can boost your confidence and appearance,” dagdag pa niya.

Kayo, mga Kapitbahay, balak niyo rin bang makamit ang inyong perfect smile? Panoorin ang YouTube vlog ni Burong ngayon at baka makumbinsi na rin kayong sumailalim sa sarili ninyong dental transformation!

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

21 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

5 days ago

This website uses cookies.