Viy Cortez-Velasquez Extends Help to Earthquake Victims in Cebu

Matapos ang malakas na lindol na yumanig sa Visayas noong September 30, 2025, ipinakita ni Viy Cortez-Velasquez ang malasakit at pagkakaisa sa mga kababayan na apektado ng trahedya sa Cebu.

Kasabay ng pangamba at pagdadalamhati ng mga residente, nagpaabot ng tulong ang Viyline Group of Companies sa pamamagitan ng kanyang team na kasalukuyang nasa Cebu kasama ang kanyang ama at kapatid.

A Kind Heart

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng content creator at CEO ng Viyline Group of Companies na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang pakikiramay at ang agarang aksyon ng kanilang team upang makapagbigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Viy, personal na naranasan ng kanyang pamilya ang matinding pagyanig dahil naroon mismo sa Cebu ang kanyang ama at kapatid nang mangyari ang lindol. Sa kabila nito, hindi siya nag-atubili na magpaabot ng tulong sa mga nasalanta.

Nakipag-ugnayan si Viy at ang kanyang team sa lokal na pamahalaan ng Bogo at sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu upang maipaabot ang tulong sa mga apektadong komunidad. 

Ayon pa sa kanyang post, bahagi ng pondong ginamit para sa relief donation ay mula sa mga naibentang ticket ng Team Payaman Fair na gaganapin sa SM Seaside City Cebu, bukod pa sa personal na tulong na kanilang ibinahagi.

Dagdag pa ni Viy, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang organisasyon upang mas marami pang kababayan ang matulungan sa mga susunod na araw. 

Sa huli, ipinaabot ni Viy ang kanyang panalangin para sa kaligtasan ng lahat, lalo na sa mga patuloy na nakararanas ng aftershocks sa nasabing rehiyon.

Angelica Sarte

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

3 days ago

This website uses cookies.