Makalipas ang anim na buwan sa huling upload kasama ang mga kaibigan, tampok sa pinakabagong YouTube vlog ni Vienna Iligan ang masayang bonding time kasama ang ilang Team Payaman kids.
Bida sa vlog ng dalaga ang dalawang anak ng kanyang nakatatandang kapatid na TP member na si Vien Iligan-Velasquez.
“I rarely post videos with the kiddos but here it is! I miss our babies,” ani Vienna sa kanyang post.
Kwento ni Vienna ay nakatakda silang mag-grocery bonding ng kaniyang Ate Vien kung kaya naman minabuti niyang bumyahe papunta sa Congpound.
Pagdating sa bahay ay galak siyang sinalubong ng mga pamangkin. Hindi pinalagpas ni Vienna na kamustahin ang panganay na pamangkin nitong si Von Maverick, a.k.a Mavi, pati na ang lagay ng ngipin nito.
“Patingin ng ngipin mo! Bakit nabunot?,” tanong ni Vienna na agad namang sinagot ni Mavi.
Saktong araw ng ‘gadget time’ ng mga bata kaya sinamahan niya rin ang mga ito sa paglalaro ng ‘minecraft.’
Naroon din sa bahay ang panganay na anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla Patriel na agad din namang nag-bless sa kaniya.
Ang pinaka espesyal sa vlog ay ang masayang playtime ni Vienna kasama ang bunsong pamangkin na si Viela kung saan nag roleplay sila bilang si Elsa, Mama Mary, at iba pa.
“Ang cute mo! Kagigil ka,” ani Vienna kay Viela.
Kinalungkot naman ng Iligan-Velasquez siblings noong oras na para magpaalam ang kanilang Tita Vienna kasama ang kanilang Mommy Vien upang umalis at mag-grocery.
Umani naman ang feel-good vlog ni Vienna ng ilang mga papuri mula sa mga netizens matapos ibahagi ang saglit ngunit hindi malilimutang pagbisita sa mga pamangkin.
@lanceeirral: So nice to see you bond with your pamangkins every once in a while! Cute nyo tingnan na para bang magkakapatid lang. 🥹
@francis09: Parang nanonood lang ako noong panahong naguumpisa pa lang si Ate Vien mo HAHAHA
@zklf: Laki na talaga ni Itlog huhuhu marunong na siya mag-ask if kakain at mag-offer ng food 🥹
@chrishanegaddi6793: Ang cuties, ayaw paalisin ang tita nila haha!
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.