Vienna Iligan Enjoys Bonding Time with Team Payaman Kids

Makalipas ang anim na buwan sa huling upload kasama ang mga kaibigan, tampok sa pinakabagong YouTube vlog ni Vienna Iligan ang masayang bonding time kasama ang ilang Team Payaman kids.

Bida sa vlog ng dalaga ang dalawang anak ng kanyang nakatatandang kapatid na TP member na si Vien Iligan-Velasquez

“I rarely post videos with the kiddos but here it is! I miss our babies,” ani Vienna sa kanyang post. 

Sweet Bonding Moments

Kwento ni Vienna ay nakatakda silang mag-grocery bonding ng kaniyang Ate Vien kung kaya naman minabuti niyang bumyahe papunta sa Congpound. 

Pagdating sa bahay ay galak siyang sinalubong ng mga pamangkin. Hindi pinalagpas ni Vienna na kamustahin ang panganay na pamangkin nitong si Von Maverick, a.k.a Mavi, pati na ang lagay ng ngipin nito. 

Patingin ng ngipin mo! Bakit nabunot?,” tanong ni Vienna na agad namang sinagot ni Mavi. 

Saktong araw ng ‘gadget time’ ng mga bata kaya sinamahan niya rin ang mga ito sa paglalaro ng ‘minecraft.

Naroon din sa bahay ang panganay na anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla Patriel na agad din namang nag-bless sa kaniya.  

Ang pinaka espesyal sa vlog ay ang masayang playtime ni Vienna kasama ang bunsong pamangkin na si Viela kung saan nag roleplay sila bilang si Elsa, Mama Mary, at iba pa. 

Ang cute mo! Kagigil ka,” ani Vienna kay Viela.

Kinalungkot naman ng Iligan-Velasquez siblings noong oras na para magpaalam ang kanilang Tita Vienna kasama ang kanilang Mommy Vien upang umalis at mag-grocery.

Netizens Say

Umani naman ang feel-good vlog ni Vienna ng ilang mga papuri mula sa mga netizens matapos ibahagi ang saglit ngunit hindi malilimutang pagbisita sa mga pamangkin. 

@lanceeirral: So nice to see you bond with your pamangkins every once in a while! Cute nyo tingnan na para bang magkakapatid lang. 🥹

@francis09: Parang nanonood lang ako noong panahong naguumpisa pa lang si Ate Vien mo HAHAHA

@zklf: Laki na talaga ni Itlog huhuhu marunong na siya mag-ask if kakain at mag-offer ng food 🥹

@chrishanegaddi6793: Ang cuties, ayaw paalisin ang tita nila haha!

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

3 days ago

This website uses cookies.