Doc Alvin Francisco Gets Real on the State of Filipino Healthcare on Toni Talks

Mainit na tinanggap ng actress-host na si Toni Gonzaga-Soriano ang Team Payaman health professional na si Doc Alvin Francisco sa Toni Talks.

Tunghayan ang diskusyon tungkol sa lumalalang krisis pagdating sa pangkalusugan na tinalakay ng naturang medical content creator.

Humble Beginnings

Sa pinakabagong episode ng Toni Talks, inanyayahan ng aktres na si Toni Gonzaga-Soriano si Doc Alvin Francisco upang pag-usapan ang lumalalang isyu patungkol sa serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Una na n’yang ibinahagi ang kanyang naging karanasan bago maging isang propesyonal sa industriya ng medisina.

Laking gulat ni Toni nang malaman na nakapagtapos si Doc Alvin ng medisina bilang isang iskolar.

“Nakakabilib si Doc Alvin ha! As a scholar boy pala ito,” biro ni Toni.

Ibinahagi rin ni Doc Alvin na dahil sa kanyang hilig sa kursong siyensya, naging pangarap niyang maging isang doktor.

Ikwinento rin ni Doc Alvin inabot s’ya ng mahigit sa sampung taon bago maging ganap na isang medical professional.

Health Crisis in the Philippines

Bukod sa kanyang karanasan sa pagiging isang doktor, isa rin sa mga naging usapin sa kanilang interview ay ang sinapit ng healthcare sa bansa.

Isa sa mga nakakaalarmang katotohanan ay ang pagdami ng mga nagkakasakit sa kasalukyang henerasyon.

Ani Doc Alvin, maraming mga Pilipino ang nakakaranas ng mga hindi nakakahawang sakit gaya ng diabetes, stroke, at iba pa. Paniniwala n’ya, isa ang pagkakaroon ng weak lifestyle sa mga rason nito.

“Tingin ko, naging factor dito ‘yung readily accessible rito ‘yung mga processed food, [kasi] pag napasobra na talaga, ‘dun pumapangit ‘yung BP ng tao,” paliwanag n’ya.

Dagdag pa ni Doc Alvin, ang labis na pagkain ng hindi masustansyang pagkain at patuloy na pagkakaroon ng hindi magandang lifestyle ang dahilan kung bakit mas marami ang patuloy na nagkakaroon ng malubhang sakit. 

Ibinahagi rin n’ya na ang kanyang mga manonood ay higit na interesado sa kanyang sexual health, commentary, at educational contents.

Ang mga sakit gaya ng sexually-transmitted diseases (STDs) at polycystic ovarian syndrome (PCOS) ay ilan din sa kanilang mga napag-usapan.

To learn more, watch the full episode below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

11 hours ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

7 days ago

This website uses cookies.