Cong TV Shares Real Story Behind COLN’s “WASAK” Music Video

Sa kanyang latest vlog upload na “ARTISTA,” ibinahagi ni Cong TV ang kwento sa likod ng paghahanap ng bidang gaganap sa bagong single ng COLN na pinamagatang ‘WASAK’. 

ARTISTA

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng COLN member na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang naging proseso ng pagbuo ng music video ng kanilang hit na ‘WASAK.’

Ayon kay Cong, tatlong artista ang una niyang kinonsidera para sa nasabing role, ngunit hindi available ang mga ito. Ang huli naman sa kanilang option ay umatras. Dahil dito, napaisip si Cong kung paano nila matutuloy ang music video ng kanilang kanta.

Doon niya naalala na bukod kina Aaron at Kuya Oyet, may nakilala siyang isang freelance artist. Agad niya itong tinawagan at pinapunta sa Congpound nang walang kaalam-alam sa mga mangyayari. Wala itong script, walang context, at walang ideya kung anong role ang ibibigay sa kanya.

The Making

Pagdating sa Congpound, agad siyang sinalang sa isang improvised acting scene kasama sina Junnie Boy, Dudut, at Mentos. Hindi nagtagal, dumating din sina Burong at Cong na parehong sumabak sa matinding eksena, kasabay ng pagsali ni Yow na game na game rin sa pag-acting. 

Dito na lumabas ang bigat ng emosyon, sigawan, banggaan ng linya, at iba’t ibang mga eksena. Dahil sa natural na pagganap at tapang na sumabay kahit walang paghahanda, napagdesisyunan ng grupo na kunin si Kyle bilang parte ng nasabing music video. 

Kasunod nito, dumaan sila sa isang acting workshop kung saan mas nahasa ang kanilang kakayahan sa pag-arte. Sumalang sila sa iba’t ibang acting exercises mula sa paglarawan ng sarili sa isang salita, pag-internalize ng karakter, hanggang sa palitan ng linya kung saan binigyang-diin na ang pag-arte ay hindi lang pagsasalita, kundi pakikinig din.

BTS and The Finale

Ibinahagi rin ni Cong ang ilang behind-the-scenes ng kanilang pagganap sa pelikulang ‘Quezon’ na pinagbidahan ng ilang Team Payaman members. 

Ipinasilip rin ni Cong TV ang mismong shoot day ng music video sa kanilang farm. Dito makikita kung paano mas pinino ang bawat eksena at mas naging maayos ang daloy ng kwento.

Sa nasabing mga tagpo, kita rin si Aaron Oribe, ang isa sa mga tinulungan ni Cong, at nagbigay ng motibasyon kay Kyle para mas maging maganda ang maging pag-arte nito sa music video.

Sa huli ay nakita ng mga manonood kung paano nagpapasalamat si Kyle na naging bahagi siya ng team at proyekto ni Cong. 

Screenshot

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

13 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

16 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

3 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

3 days ago

This website uses cookies.