Zeinab Harake and Mika Salamanca Share a Fun Slumber Party in New Vlog

Sa bagong vlog ni Zeinab Harake, kanyang binisita ang kaibigan na si Mika Salamanca upang mag-catch up matapos nitong pumasok sa reality show na Pinoy Big Brother.

Tunghayan ang masasayang tagpo sa much-awaited vlog collab nina Zeinab at Mika na talaga namang umaliw sa netizens.

Condo Raid

Una nang sinugod ng content creator na si Zeinab Harake ang bagong tahanan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition big winner na si Mika Salamanca.

Kwento ng dalawa, ito ang kauna-unahang beses na nagsama ang dalawa matapos ang ‘big night’ ng nasabing reality show.

Hindi napigilang batiin ni Zeinab ang tinitirahang condo ni Mika dala ng pagiging aesthetic at minimalist nito.

“Ang ganda ng condo mo! First time ko dito!” pagbati ni Zeinab.

Walang pagdadalawang isip na nilibot ni Mika ang kanyang Ate Zebby sa kanyang bagong tahanan.

Mula sa kanyang sala, kwarto, maging sa kanyang CR, labis ang paghanga ni Zeinab sa itsura ng bahay ni Mika.

Q and A + Soju Night

Matapos ang kanilang pag-ikot sa loob ng condo ni Mika, nagsalo ang dalawa sa Korean alcohol drink na Soju habang nagbabatuhan ng mga tanong.

Mas naging malalim ang kwentuhan ng dalawa nang pag-usapan nila ang mga kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya.

Isa sa mga makapanindig-balahibong tanong ibinato ni Zeinab ay kung paano n’ya ira-rank ang Pamilya de Guzman, tanong na hindi agad nasagot ni Mika.

Aniya, ang kanyang Ate Klang o si Klarisse de Guzman ang kanyang pinakaminamahal sa kanilang grupo.

Nilinaw naman n’ya na pantay-pantay ang kanyang pagtingin sa kanyang PDG family na kinabibilangan nina Will Ashley, Shuvee Etrata, Esnyr Ranollo, Brent Manalo, at Klarisse de Guzman.

Slumber Party

Matapos ang masayang kwentuhan, sabay na naghilamos at natulog sina Zeinab at Mika. Kinabukasan, supportive ate ang vibe na hatid ni Zeinab nang ihatid n’ya si Mika sa kanyang event.

Labis naman ang pasasalamat ni Mika sa kanyang Ate Zebby sa pag-suporta. 

“Thank you ate kasi nakapagpahinga ako. ‘Yung mga kwentuhan at pagca-catch up natin, sobrang na-appreciate ko,” pasasalamat ni Mika.

Unmatched Friendship

Matapos mapanood ang vlog, marami ang nagpadala ng kanilang pagbati sa kakaibang friendship na hatid nina Mika at Zeinab.

@Shilohblog: “Ito talaga [ang] totoong magkaibigan, through ups and downs and kahit anong bashing sa kanila, they really own up to their mistakes and wanted to learn and grow sa anumang ibato sa kanila.”

@ariakim2718: “Bakit naiiyak ako? Thank you Z for standing with Mika. Grabe, mahal na mahal ko kayo!”

@fiuygghh: “‘Yung friendship ni Mika at Zeinab pang “ride or die” bumangga, giba talaga. I love this friendship! Sobrang baby ni Mika kay Zeinab, parang nakakuha talaga ng ate si Mika sakanya. Ganitong friendship yung nagla-last talaga e. I love you guys both!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

20 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

20 hours ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

2 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

2 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

2 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

2 days ago

This website uses cookies.