Zeinab Harake-Parks Surprises Husband With A Priceless Birthday Celebration

Isang hindi malilimutang sorpresa ang handog ni Zeinab Harake-Parks para sa asawang si Ray Parks para sa kanyang kaarawan.

Alamin kung ano nga ba ito at kung ano ang reaksyon ng ni Ray sa inihandang regalo ng asawa.

The Surprise

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Zeinab Harake-Parks ang mga tagpo sa nagdaang 33rd birthday celebration ng asawa niyang si Bobby Ray Parks Jr. 

Nagsimula ang vlog sa isang taimtim na family getaway ng pamilya Harake-Parks sa isang beach. Taimtim na nagdasal at kumain ang mag-anak.

Sumubok din sila ng iba’t-ibang mga aktibidad gaya ng pagsakay sa ATV, jetski, at paglangoy sa dagat nang sama-sama.

Matapos ang kanilang beach trip, sunod namang ipinasilip ni Zeinab ang celebrasyon ng kaarawan ng asawa na ginanap sa Geluk Philippines sa Quezon City.

Isang intimate birthday dinner ang naging celebrasyon ni Ray na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kaanak.

Para sa kanyang sorpresa, kinasabwat ni Zeinab ang mga anak na sina Bia at Lucas uang mas maging nakakaantig ang mga tagpo.

“Ngayon kasi ibang klase ‘yung surprise ko. Kausap ko ‘yung kapatid, ‘yung best friend, papauwiin ko ‘yung mommy niya, sister niya, at tsaka ‘yung best friend niya from US,” kwento ni Zeinab.

Hindi na naiwasang maging emosyonal ni Ray nang makitang umuwi ang kanyang ina, kapatid, at kaibigan sa araw ng kanyang kaarawan.

“Hindi ko talaga inexpect. Thank you, I love you!” pasasalamat ni Ray sa asawa.

Netizens’ Reactions

Samantala, ipinahatid ng mga manonood ang kanilang pagbati para kay Ray at sa surpresang handog ni Zeinab.

@zebb-m6n:  “I’m waiting for the prayer” how matured/good Lucas is.”

@janiceermunda945: “I like the grown up Lucas. Your parents really taught you well manners. Happy birthday, Ray!”

@cherrylouintal9226: “Grabe talaga yung influence ng tatay sa isang tahanan. na touch ako kay Kuya Lucas, nung nag ask sya ng prayer kay daddy ray nya ng prayer before eating.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

13 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

16 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

3 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

3 days ago

This website uses cookies.