Categories: Uncategorized

Team Payaman’s Clouie Dims Explores The Best Matcha Drinks in Siargao

Muling naghatid ng travel at food content ang Team Payaman vlogger na si Clouie Dims sa kanyang bagong YouTube vlog.

Sa kanyang pagbisita sa Siargao, sinamahan ni Clouie ang ganda ng isla ng isang food adventure kung saan sinubukan niya ang iba’t ibang matcha drinks at nagbigay ng personal na reaksyon para sa mga kapwa Matcha lovers.

‘Matcha Day’

Sa kanyang bagong vlog, tampok ang full-day adventure ni Clouie Dims sa paghahanap ng perfect matcha drinks mula sa iba’t ibang kilalang coffee shops sa isla ng Siargao.

Unang destinasyon ni Clouie ang The Matcha Bar na matatagpuan sa Tourism Road, General Luna, Surigao del Norte. Dito, ipinakilala ng staff ang kanilang mga best seller, kabilang ang Creamy Matcha na may condensed milk at maple syrup.

Sinubukan ni Clouie ang kanilang creamy matcha na may condensed at oat milk sa halagang P270. Para kay Clouie, hindi sobrang mapait ang lasa at tama lang ang timpla, kaya perfect sa mga naghahanap ng creamy at sweet na matcha.

Sumunod niyang binisita ang Bum Brew, kung saan sinubukan naman niya ang Strawberry Matcha na kanyang hinaluan ng oat milk na nagkakahalaga ng Php 290. Ayon kay Clouie, kakaiba ito dahil may tamis at asim na kombinasyon na nagbibigay ng magandang kick sa lasa.

Bagama’t hindi ito creamy, ang Strawberry Matcha ay perfect para sa mga naghahanap ng balanseng tamis at asim. 

Panghuli, nagtungo siya sa St. Thomas Coffee para sa isang simpleng Matcha Latté drink na kanya ring pinahaluan ng oat milk sa halagang P220. 

Inilarawan niya ang matcha na ito bilang light, hindi masyadong creamy o matamis, kaya perfect ito para sa mga gustong simple at natural na lasa ng Matcha.

Sa pagtatapos ng vlog, ibinahagi ni Clouie na ang Strawberry Matcha ng Bum Brew ang kanyang top pick dahil sa kakaibang timpla ng strawberry at milk sa matcha, pati na rin sa magandang aftertaste nito.

“‘Yung Bum Brew yung pinaka nagustuhan ko kasi siguro bago sya for me. Tapos ‘yung mix ng strawberry, ng milk, and ‘yung matcha, sobrang perfect. And nagustuhan ko yung aftertaste. Kaya ‘yun ang top 1 ko,” ani Clouie sa kanyang vlog.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong reaksyon ang vlog ni Clouie mula sa kanyang mga tagasubaybay, na nagpakita ng suporta at excitement para sa kanyang mga susunod na food adventures.

@Warvyolvido-fc7sf: “Simply pretty, Clouie. Pareho tayo. Favorite at like ko ang strawberry matcha. Sarap ng  combination.”

@qtzelop-i5l: “Hala, I love matcha too, Ate Clouie!”

@annafayevillajin6222: “More vlog, please!”

@bretheartgregorio1886: “Power sa’yo, Ms. Clouie!”

@winonacabardo8609: “Sana finding the best matcha in Davao City naman, Ma’am Clouie!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

13 minutes ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

35 minutes ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

48 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.