Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill sa hosting nang maging guest host s’ya sa isang event sa Robinsons Antipolo.
Ang naturang event ay ginanap noong September 15-21 sa pangunguna ng Robinsons Supermarket kasama ang Surf Philippines at Breeze.
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang bagong karanasan bilang event host sa Home & Laundry Fair sa Robinsons Antipolo.
Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat si Pat sa Surf Philippines at Breeze na naging katuwang sa matagumpay na programa.
“Hosting unlocked. Thank you, @surfphilippines & Breeze for having me,” ani Pat sa kanyang post.
Bilang bahagi ng programa, nagkaroon ng masayang aktibidad para sa mga dumalo kabilang ang isang espesyal na game na inihanda para sa mga ina.
Sa pamamagitan nito, naging mas interactive at masaya ang karanasan ng mga dumalo, lalo na ang mga nanay na aktibong lumahok.
Sa hiwalay na Facebook post, ibinahagi rin ni Pat ang kanyang larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng blue denim pants at blue blazer bilang kanyang attire para sa naturang event.
Samantala, ilang netizens ang nagpahayag ng pagbati at paghanga kay Pat kaugnay ng kanyang pagganap bilang event host.
Claris Halili: “Ang saya. Congrats, Pat Velasquez-Gaspar.”
MHi NE: “Ganda mo, Ms Pat Velasquez-Gaspar. Congrats!”
Maria Victoria Serafico: “Ang ganda mo, Pat!”
She Agkes: “Congrats!”
Rubyjane Gacila: “Ang galing!”
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…
The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…
Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
This website uses cookies.