Categories: Uncategorized

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa mga manonood ang surpresang pagbisita sa asawang si Mikee Morada sa mismong opisina nito sa Lipa City Hall, kung saan ngayon ay nagsisilbi na itong Vice Mayor.

Surprise Visit

Kwento ni Alex, isa sa mga lumang vlogs niya na ikinatuwa ng marami at pumalo ng higit 10M views ay pinamagatang “Visiting My Boyfriend” kung saan binisita niya rin ang noon ay Lipa City Councilor na si Mikee. 

Makalipas ang anim na taon, laking tuwa ni Alex nang maisipan n’yang ulitin ang konsepto ng vlog upang kumustahin naman ang kanyang “boyfriend-turned-husband” na may mas mataas na ring tungkulin sa bayan ng Lipa.

“Kasi gusto ko lang. Baka kasi may iba nang bumibisita sa kanya,” biro pa ni Alex.

Dagdag ng aktres, tuwing Lunes ay may session ang Sangguniang Panlungsod ng Lipa, kung kaya’t maaga umaalis ng bahay ang kanyang asawa. 

Nagpasya siyang gulatin ang asawa sa pamamagitan ng kanyang presensya at suporta, pati na rin ang paglalagay ng “Alex’s touch” sa bagong ayos ng opisina nito.  

Hindi pinalampas ni Alex na personal na mamili ng samu’t saring biscuits, chips, tsokolate, at kendi upang mailagay sa snack and tea bar para sa mga bisitang dumadalaw sa opisina at para na rin pang-merienda ng kanyang asawa sa araw-araw. 

Bukod sa pasalubong, ipinahayag din ni Alex ang matinding paghanga sa asawang si Mikee matapos masaksihan ang isang araw na abala itong kausapin ang mga Lipeñong nagpapaabot ng iba’t ibang mga hinaing. 

Aniya, halos araw-araw itong gawain ni Mikee kung kaya’t biro niya ay medyo nakonsensiya siyang awayin ang asawa sa tuwing uuwi ito. 

“Mahal na mahal ko siya at proud na proud ako sa kaniya,” sambit ni Alex.

Endless Gratitude

Hindi rin naman maitago ang ngiti at kilig ng Vice Mayor sa sorpresang pagbisita ng kaniyang asawa. 

“Maraming salamat sa aking asawa na bumisita. Salamat at ni-loaded mo ng mga tsitsirya na makakain [ang opisina] para kapag may bisita meron tayong maibibigay,” pagpapasalamat ni Mikee. 

“Salamat po sa mga Lipeño na nagmamahal sa aking asawa,” mensahe naman ni Alex para sa mga manonood. 

Bilang pagtatapos ng kanilang bonding sa opisina, nagsalo naman ang mag-asawa sa isang simpleng late lunch na Siomai rice sa labas. 

Watch full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

13 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

1 day ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

1 day ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

1 day ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

1 day ago

This website uses cookies.