Categories: Uncategorized

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa mga manonood ang surpresang pagbisita sa asawang si Mikee Morada sa mismong opisina nito sa Lipa City Hall, kung saan ngayon ay nagsisilbi na itong Vice Mayor.

Surprise Visit

Kwento ni Alex, isa sa mga lumang vlogs niya na ikinatuwa ng marami at pumalo ng higit 10M views ay pinamagatang “Visiting My Boyfriend” kung saan binisita niya rin ang noon ay Lipa City Councilor na si Mikee. 

Makalipas ang anim na taon, laking tuwa ni Alex nang maisipan n’yang ulitin ang konsepto ng vlog upang kumustahin naman ang kanyang “boyfriend-turned-husband” na may mas mataas na ring tungkulin sa bayan ng Lipa.

Kasi gusto ko lang. Baka kasi may iba nang bumibisita sa kanya,” biro pa ni Alex.

Dagdag ng aktres, tuwing Lunes ay may session ang Sangguniang Panlungsod ng Lipa, kung kaya’t maaga umaalis ng bahay ang kanyang asawa. 

Nagpasya siyang gulatin ang asawa sa pamamagitan ng kanyang presensya at suporta, pati na rin ang paglalagay ng “Alex’s touch” sa bagong ayos ng opisina nito.  

Hindi pinalampas ni Alex na personal na mamili ng samu’t saring biscuits, chips, tsokolate, at kendi upang mailagay sa snack and tea bar para sa mga bisitang dumadalaw sa opisina at para na rin pang-merienda ng kanyang asawa sa araw-araw. 

Bukod sa pasalubong, ipinahayag din ni Alex ang matinding paghanga sa asawang si Mikee matapos masaksihan ang isang araw na abala itong kausapin ang mga Lipeñong nagpapaabot ng iba’t ibang mga hinaing. 

Aniya, halos araw-araw itong gawain ni Mikee kung kaya’t biro niya ay medyo nakonsensiya siyang awayin ang asawa sa tuwing uuwi ito. 

Mahal na mahal ko siya at proud na proud ako sa kaniya,” sambit ni Alex.

Endless Gratitude

Hindi rin naman maitago ang ngiti at kilig ng Vice Mayor sa sorpresang pagbisita ng kaniyang asawa. 

Maraming salamat sa aking asawa na bumisita. Salamat at ni-loaded mo ng mga tsitsirya na makakain [ang opisina] para kapag may bisita meron tayong maibibigay,” pagpapasalamat ni Mikee. 

Salamat po sa mga Lipeño na nagmamahal sa aking asawa,” mensahe naman ni Alex para sa mga manonood. 

Bilang pagtatapos ng kanilang bonding sa opisina, nagsalo naman ang mag-asawa sa isang simpleng late lunch na Siomai rice sa labas. 

Watch full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.