Bilang patunay ng husay sa kusina, muling naghatid ng masasarap at kakaibang putahe si Jaime Marino De Guzman, a.k.a. Dudut Lang, gamit ang simpleng carabao’s milk mula Pampanga.
Tunghayan ang iba’t ibang recipe na puwede mong subukan sa bahay mula sa savory dishes hanggang sa dessert.
Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Dudut kung paano gumawa ng kesong puti mula sa isang litro ng carabao’s milk.
Pinainit niya ang gatas, hinalo para hindi dumikit, at nilagyan ng suka upang mag-curdle. Pagkatapos, sinala ang keso para makuha ang tamang tekstura, at nilagyan niya rin ito ng kaunting asin bago hanguin.
Para sa French toast, hinalo naman ni Dudut ang kesong puti sa itlog, cinnamon, sugar, vanilla extract, at kaunting asin.
Gamit ang tinapay, pinahiran niya ito ng butter, at tinusta hanggang sa maging golden brown ang kulay nito.
Para sa dessert lovers, gumawa rin si Dudut ng Leche Flan. Nagsimula siya sa paggamit ng caramelized sugar, at pagkatapos ay hinalo ang egg yolks, condensed milk, at carabao’s milk upang makagawa ng silky smooth custard.
Ibinuhos niya ang mixture sa caramel at sinala gamit ang strainer bago ito ilagay sa refrigerator ng 24 oras para sa “perfect set.”
Hindi rin nagpahuli si Dudut sa pagluto savory dishes. Para sa Shrimp Alfredo, ginamit ni Dudut ang ulo ng hipon upang mas maparasap ang kanyang iniluluto kasama ang butter, garlic, onions, at parmesan cheese.
Matapos maluto, kanyang ihinalo ang pasta sa creamy sauce at nilagyan ng paprika at parsley para sa kanyang ‘finishing touches’.
Upang makumpleto ang listahan ng kanyang Carabao’s Milk recipe, sunod na niluto ni Dudut ang Creamy Chicken Mushroom.
Gamit ang boneless chicken leg at thigh kanya itong iprinito at ihinalo sa creamy sauce laman ang bawang, sibuyas, mushrooms, butter, at ang gatas ng kalabaw.
Sa huli, ipinakita ni Dudut ang buong lineup: Shrimp Alfredo, French Toast with kesong puti, Creamy Chicken Mushroom, at Leche Flan lahat gamit ang magic ng carabao’s milk. Ang Leche Flan ay kailangang mag-set para sa perfect texture.
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.