OPM Artist Matthaios Drops New Single, ‘Kuntento’

Patuloy na ipinapakita ni Matthaios ang kanyang kakayahan bilang singer-songwriter at record producer sa paglabas ng kanyang pinakabagong single na pinamagatang ‘Kuntento.’

Kilala sa kanyang kontribusyon sa OPM scene, nananatiling aktibo si Matthaios sa pagbibigay ng mga awitin na kaagad tumatatak sa publiko.

‘Kuntento’

Noong September 17, opisyal na inanunsyo ni Jun Matthew Brecio, a.k.a. Matthaios, sa kanyang Facebook post ang paglabas ng bagong single na ‘Kuntento’ na mapapakinggan na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms.

“My new song ‘Kuntento’ is out now!” ani Matthaios sa kanyang Facebook post.

Ibinabahagi ng ‘Kuntento’ ang pakiramdam ng pagiging kuntento at masaya sa presensya ng isang mahal sa buhay. 

Sa halip na tumutok sa magarbong ideya ng pag-ibig, binibigyang-diin ng awitin ang simpleng kasiyahan ng magkasamang sandali, mula sa mga maliliit na bagay hanggang sa araw-araw na kwentuhan.

Bilang isa sa mga kinikilalang pangalan sa kasalukuyang OPM scene, nakilala si Matthaios noong 2019 sa pamamagitan ng kanyang viral hit na ‘Catriona.’

Mula noon, sunod-sunod ang kanyang inilabas na mga awitin tulad ng ‘Vibe With Me,’ ‘Want You Back,’ ‘Keep Going,’ at ‘Catching Feelings’ na nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang hitmaker sa lokal na industriya ng musika.

Bukod sa kanyang solo projects, nakilala rin siya sa iba’t ibang collaborations. Kabilang dito ang ‘Nararahuyo’ at ‘Tayo Sana’ kasama ang Team Payaman members na sina Jaime Marino De Guzman, a.k.a. Dudut Lang, at Anthony Jay Andrada, a.k.a. Yow. 

Sa paglabas ng ‘Kuntento,’ muling ipinapakita ni Matthaios ang kanyang husay sa pagsulat at paglikha ng mga awitin na tumatagos sa damdamin. Patunay ito na patuloy siyang umuunlad bilang artist habang nananatiling matatag na boses sa kasalukuyang henerasyon ng OPM.

Netizens’ Comments

Samantala, bumuhos naman ang papuri mula sa mga tagapakinig na nagpahayag ng kanilang paghanga at kasiyahan sa bagong kanta ni Matthaios.

Kent Roven: “Solid, boss Matt!”

カレン カレン: “LSS na naman.”

Jhoana Joraine: “Wow!!!”

Acie Nacario: “Iba talaga pag si Kuys Matthaios na gumawa ng chill ride songs.”

ZeYn Van D: “Lakas mo talaga, kuys Matthaios.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

1 day ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

1 day ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

2 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

2 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

3 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

3 days ago

This website uses cookies.