OPM Artist Matthaios Drops New Single, ‘Kuntento’

Patuloy na ipinapakita ni Matthaios ang kanyang kakayahan bilang singer-songwriter at record producer sa paglabas ng kanyang pinakabagong single na pinamagatang ‘Kuntento.’

Kilala sa kanyang kontribusyon sa OPM scene, nananatiling aktibo si Matthaios sa pagbibigay ng mga awitin na kaagad tumatatak sa publiko.

‘Kuntento’

Noong September 17, opisyal na inanunsyo ni Jun Matthew Brecio, a.k.a. Matthaios, sa kanyang Facebook post ang paglabas ng bagong single na ‘Kuntento’ na mapapakinggan na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms.

“My new song ‘Kuntento’ is out now!” ani Matthaios sa kanyang Facebook post.

Ibinabahagi ng ‘Kuntento’ ang pakiramdam ng pagiging kuntento at masaya sa presensya ng isang mahal sa buhay. 

Sa halip na tumutok sa magarbong ideya ng pag-ibig, binibigyang-diin ng awitin ang simpleng kasiyahan ng magkasamang sandali, mula sa mga maliliit na bagay hanggang sa araw-araw na kwentuhan.

Bilang isa sa mga kinikilalang pangalan sa kasalukuyang OPM scene, nakilala si Matthaios noong 2019 sa pamamagitan ng kanyang viral hit na ‘Catriona.’

Mula noon, sunod-sunod ang kanyang inilabas na mga awitin tulad ng ‘Vibe With Me,’ ‘Want You Back,’ ‘Keep Going,’ at ‘Catching Feelings’ na nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang hitmaker sa lokal na industriya ng musika.

Bukod sa kanyang solo projects, nakilala rin siya sa iba’t ibang collaborations. Kabilang dito ang ‘Nararahuyo’ at ‘Tayo Sana’ kasama ang Team Payaman members na sina Jaime Marino De Guzman, a.k.a. Dudut Lang, at Anthony Jay Andrada, a.k.a. Yow. 

Sa paglabas ng ‘Kuntento,’ muling ipinapakita ni Matthaios ang kanyang husay sa pagsulat at paglikha ng mga awitin na tumatagos sa damdamin. Patunay ito na patuloy siyang umuunlad bilang artist habang nananatiling matatag na boses sa kasalukuyang henerasyon ng OPM.

Netizens’ Comments

Samantala, bumuhos naman ang papuri mula sa mga tagapakinig na nagpahayag ng kanilang paghanga at kasiyahan sa bagong kanta ni Matthaios.

Kent Roven: “Solid, boss Matt!”

カレン カレン: “LSS na naman.”

Jhoana Joraine: “Wow!!!”

Acie Nacario: “Iba talaga pag si Kuys Matthaios na gumawa ng chill ride songs.”

ZeYn Van D: “Lakas mo talaga, kuys Matthaios.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

22 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.