‘Team No Sleep’ pero full support! Ganito sinimulan nina Mommy Vien Iligan-Velasquez at ng buong pamilya ang kaniyang recent vlog para sa unang swimming tournament ni Von Maverick Velasquez a.k.a. Kuya Mavi.
Kahit nasa Japan si Daddy Junnie for work, ramdam na ramdam pa rin ang suporta at pagmamahal niya sa anak.
Siyam na buwan pa lang mula nang magsimula si Kuya Mavi sa paglalangoy, agad na s’yang sumalang sa kanyang kauna-unahang swimming tournament.
Ayon kay Mommy Vien, simple lang ang dahilan kung bakit pinasok nila si Mavi sa sport: “Swimming is a survival skill na kailangan ng bawat bata, kaya masaya ako na natutunan niya. Bonus na lang na nakakapag-compete siya ngayon.”
Kahit pilit nagpapakalma, hindi napigilan ni Mommy Vien na mapasigaw ng, “Go Kuya! Go Mavi!” habang nasa kompetisyon ang kanyang panganay.
Ramdam ang halo-halong emosyon — kaba, saya, at sobra-sobrang pride sa bawat galaw ni Mavi.
Sa huli, hindi lang basta resulta ang mahalaga kundi ang experience. Proud na proud ang lahat nang tanggapin ni Mavi ang Champion medal mula sa kanyang coach. Kahit biro niya kung may medal ba agad after ng kickboard, napatunayan niya na effort at dedication ang tunay na panalo.
“Anak, manalo o matalo, magsi-celebrate tayo. Sobrang proud ako sa’yo!” Mensahe ni Mommy Vien.
Watch the full vlog below:
Muling naghatid ng travel at food content ang Team Payaman vlogger na si Clouie Dims…
SM has been a big part of Filipinos’ everyday lives, from family weekend bondings to…
Isa ka ba sa mga mahilig sa oatmeal, yogurt, granola bars, at ilan pang masustansyang…
You didn’t see this coming, but for the love of the game, Team Payaman has…
Little Princess Tokyo Athena Velasquez is back and brighter than ever! Bilang pagpapatuloy sa tradisyon…
Patuloy na ipinapakita ng Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kanyang…
This website uses cookies.