Viy Cortez-Velasquez and Friends Celebrate 15 Years of Friendship on a Food Trip Adventure

Muling naghatid ng good vibes ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa pamamagitan ng isang espesyal na food trip kasama ang kanyang matagal nang mga kaibigan.

Sa kanyang bagong vlog, pinagsama ang masarap na pagkain, kwentuhan, at pagbabalik-tanaw sa mga alaala mula sa high school sa loob ng kilalang Chinese restaurant na Super Bowl of China.

15 Years of Friendship

Sa isang Facebook post, masayang ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez ang panibagong food adventure kasama ang kanyang mga ‘high school BFF’ na sina Andi Pangindian, Aira Balendez, Carmela Mendoza, at Pat Pabingwit.

Dahil sa kanilang interes sa Chinese cuisine, napagdesisyunan ng magkakaibigan na subukan ang Super Bowl of China, na ayon kay Viy ay ilang beses na rin niyang nabalikan dahil malapit lamang ito sa kanilang lugar.

“Nakakain na ako dito. Pang apat na beses ko na ata kasi ang lapit lang namin nito. Tsaka kapag talagang nag-crave ako ng Chinese food, ay perfect!” ani Viy.

Bago magsimula ang kanilang kwentuhan, agad silang umorder at sinubukan ang ilang inaalok na set meals ng nasabing restaurant. 

Ayon kay Viy, kasalukuyang may mga promo ang restaurant, kabilang ang Php 999 set meal na pang-tatlong tao at may kasamang isang litro ng iced tea, pati na rin ang mga solo meal na nagsisimula sa Php 175.

Sa sandaling dumating ang kanilang mga pagkain, ipinakita sa vlog ang malalaking siomai at iba’t ibang set meals, na agad nilang tinikman habang nagkukuwentuhan.

Bukod sa pagkain, naging sentro rin ng kanilang usapan ang mahigit labing-limang taong pagkakaibigan. Binalikan nila ang mga alaala ng high school, mula sa unang cellphone na may keypad at mga litrato ng panahon ng ‘jejemon,’ hanggang sa pagiging cheerleader at sa pagkilala kung sino ang mga ‘nerd’ ng grupo.

Kasunod nito, tinalakay rin nila ang mga hamon ng adulthood, kabilang ang pagbabalanse ng trabaho, pamilya, at personal na buhay, kung saan may ilan nang may sariling pamilya, habang ang iba ay abala sa trabaho at pagsuporta sa kani-kanilang tahanan.

Sa pagtatapos ng vlog, nagpasalamat si Viy sa patuloy nilang samahan sa kabila ng paglipas ng panahon at pagbabago ng kani-kanilang landas. Para sa kanya at sa kanyang mga kaibigan, ang simpleng salu-salo ay hindi lang tungkol sa pagkain, kundi sa pagpapatibay ng matagal ng pagkakaibigan.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang natuwa at humanga sa kanilang masayang samahan at kakulitan, na kitang-kita sa bawat kuwentuhan at tawanan nila sa vlog.

Carina Vee Cruz: “Lamog talaga makatabi si Viy sa tropahan, eh. Panay hampas at palo.”

Sidora Jen: “Hindi na ako magtataka bakit napaka kalog mo, Viy Cortez-Velasquez.”

Kaloka Vlog: “Ang saya kapag puro may saltik talaga lahat ng magkabarkada.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV’s Team PYMN Clothing Introduces ‘Essential Collection’ For Everyday Wear

If you’re looking to upgrade your everyday wardrobe with comfortable, affordable, and effortlessly stylish pieces,…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Proudly Shares Kids Academic Milestone

Proud na ibinahagi ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang recent academic milestone…

24 hours ago

A Mother’s Transformation: Pat Velasquez-Gaspar Opens Up About Her One-Year Fitness Journey

Ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang one-year fitness journey kasama ang Beauty Couture Aesthetic Clinic,…

2 days ago

Team Payaman Fair 2026 Calls for Sponsors and Brand Partners

The countdown to Team Payaman Fair: VIYond the Beat is officially on, as Team Payaman…

2 days ago

Netizens Poke Fun of Viy Cortez-Velasquez’s CARambola’s Third Episode

Laughtrip ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at ilan sa kanyang mga special guests sa ikatlong…

3 days ago

Team Payaman’s Cong TV Surprises Genggeng with a Hong Kong Trip

Matapos ang kanyang academic dilemma, isang surpresang out-of-the-country trip ang hatid ni Cong TV para…

3 days ago

This website uses cookies.