Yow Andrada Shares Inspiring Reflection in Latest Vlog

Kilala sa kanyang mga humorous vlogs, ngayon ay mas seryosong usapan naman ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada.

Sa halip na tipikal na nakasanayang content, pinili ni Yow na talakayin ang karanasang pamilyar sa marami—ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kasalanan.

The Weight of ‘Sorry’

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Anthony Jay Andrada, a.k.a. Yow, ang mas malalim na pagninilay tungkol sa konsepto ng kasalanan at kung paano ito nakakaapekto hindi lamang sa sarili kundi pati sa mga taong nakapaligid sa atin.

Kwento ni Yow, dumarating sa punto na kahit sa gitna ng katahimikan ay napapaisip siya kung nakagawa ba siya ng kasalanan sa mga kaibigan, mga ka-banda, o pamilya. 

Hindi umano ito tumutukoy sa malalaking pagkakamali kundi sa mga simpleng bagay na maaaring hindi sinasadya ngunit may epekto pa rin sa damdamin ng iba.

Ayon kay Yow, may mga pagkakataon na kahit wala kang ginawang mali, maaari pa ring magturing ng kasalanan dahil sa hindi pagbibigay-pansin, hindi pagtulong, o hindi pakikialam sa oras ng pangangailangan.

Bukod dito, ipinaliwanag ni Yow na likas sa tao ang magkamali. Ngunit habang tumatanda, mas nagiging malinaw na hindi lamang simpleng tama o mali ang konsepto ng kasalanan.

May mga pagkukulang na nagmumula sa takot, pagod, o pride, at may mga pagkakataon na ang sobra-sobrang pag-iisip ay nagiging sanhi ng pangamba at pagdududa sa sarili.

Para kay Yow, ang karaniwang reaksyon ng tao kapag nagkakamali ay ang paghingi ng tawad. Gayunpaman, may mga pagkakataong hindi madaling bigkasin ang simpleng salita dahil kailangan munang aminin at tanggapin ang pagkakamali.

“At the end of the day, anong ginagawa natin talaga kapag alam natin may kasalanan tayo? Ang pinaka pangkaraniwan, syempre, humihingi ng sorry. ‘Yun talaga ‘yung reflex natin. Minsan, sinasabi natin ‘yan agad-agad. Pero may mga panahon din na ang hirap bitawan ng simpleng salita na ‘yan. Kasi, kailangan mo munang aminin sa sarili mo na may mali ka,” ani Yow sa kanyang vlog.

Bilang pagtatapos, ipinaalala ni Yow na ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng taos-pusong intensyon na ayusin ang mali at matutong magbago. 

Dagdag pa niya, maaaring hindi natin makontrol kung paano tatanggapin ng iba ang ating pagkakamali, ngunit nasa atin ang kakayahan na baguhin at paunlarin ang ating sarili.

Netizens’ Comments

Samantala, umani rin ng positibong komento ang vlog mula sa mga manonood, na nagsabing nakapagbigay ito ng inspirasyon, nagbukas ng mas malalim na pagninilay, at nagpamalas ng kakaibang paraan ni Yow sa pagsasalaysay.

@Izphoebe: “Deep vlog. Simply saying, we were born sinners, but God paved the way for us. Paid for our sins, no matter what we do, we inherited sins and we can’t do anything about it. But by God’s grace, we are saved and he is the only way to truth and life. God bless you and praise God for building a stronger relationship with him.’

@itzMeKaloy: “Another informative video, Waldo. Napa self-reflect tuloy ako.”

@marlonbonajos: “Thank you, Idol Yow! Napagaling mong mag storytelling. Poetic at little bit of juxta. I love the way you do it, Idol. Tuloy lang. Salamat sa isang makabuluhang paglalathala.”

@TenTen-m4n: “It’s my first time to watch Yow’s vlog. After this, I subscribed and gave this a like. I like how he is knowledgeable and at the same time funny. Keep spreading motivational, inspiring, and eye-opener videos.”

@nolipernes8197: “I really need to hear this. Thank you, Yow.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Elevates ‘Sugod Nanay Gang’ Series In Barangay Edition

Matapos ang matagumpay na pilot episode ng ‘Sugod Nanay Gang,’ muling nagbalik ang Team Payaman…

9 hours ago

Team Payaman’s Burong Shares a Glimpse of Kontrabida Moves and Pickleball Fun

Sa pinakabagong vlog ni Aaron Macacua a.k.a. Burong, ibinahagi niya ang ilan sa mga kanyang…

9 hours ago

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

5 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

6 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

6 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

7 days ago

This website uses cookies.