Muling pinaglutuan ng resident cook ng Congpound na si Dudut Lang ang kanyang kapwa Team Payaman members.
Pumatok kaya sa panlasa ng TP girls at ng mga manonood ang mga inihandang putahe ni Dudut?
Para sa ikalawang vlog episode ng ‘TP WILDCATS FAVORITE FOOD’ serye ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, kanya namang pinaglutuan sina Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, Venice Velasquez, at Vien Iligan-Velasquez.
Una nang inihanda ni Dudut ang paboritong putahe ni Vien —ang Classic Dinuguan na kanyang ginamitan ng liempo at kasim dahil hiling ni Vien na ito’y maging malaman.
Para naman kay Chino, taas noong niluto ni Dudut ang Adobong Balunbalunan na s’yang hilig ng nasabing Team Payaman member.
Pakbet Ilokano naman ang iniluto ni Dudut para kay Tyang Venice na kanyang nilagyan ng kanyang personal techniques.
Pagtapos maluto ang mga putahe, agad itong tinikman ni Dudut at ayon sa kanya’y ‘approve’ ito sa kanyang panlasa.
Bukod sa TP Wildcats, cravings satisfied din ang mga manonood matapos mapanood ang cooking vlog na handog ni Dudut.
@starpis17: “Parang ang sarap ng dinuguan. Mas maasim mas masarap. Thank you, Dut!”
@DareenGacayan: “Ilocano ako idol masarap talaga ang pinakbet, pero mas maganda sana pag may kalabasa.”
@anthonypelomiano9733: “Favorite ko ang dinuguan pero nung napanuod ko pano lutuin parang makasalanan pala talaga nyan kasi dugo talaga gamit.”
Watch the full vlog below:
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.