Tokyo Athena Marked Her 5th Month Milestone with a Magical ‘Aladdin’-Themed Photoshoot

‎

Muling nakuha ng Team Payaman siblings na sina Baby Tokyo at Kuya Kidlat ang atensyon ng netizens sa kanilang bagong Disney-themed photoshoot.

‎Sa isang Facebook post, ibinida ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang mga litrato na nagtatampok sa ‘big-bro-and-li’l-sis’ duo sa nakakaaliw na photoshoot bilang paggunita sa ika-limang buwan ni Baby Tokyo Athena.

Theme Concept

Hango sa temang “Aladdin”, binigyang-buhay ng magkapatid ang iconic characters mula sa animated Disney classic. 

Mula sa Disney costumes ng ‎Posh and Pearls, na-achieve ni Baby Tokyo ang little Princess Jasmine look sa kanyang blue dress, habang ang kanyang Kuya Kidlat ay nakasuot ng tiger onesie na nagmistulang si Rajah— ang alagang tigre ni Princess Jasmine sa pelikula.

Samantala, sa tulong naman ng The Baby Village Studio, ang makulay na photoshoot background at mga props ay nagdagdag sa magic ng Arabian night, na lalong nagpa-engganyo sa mga fans.

‎Isa ring magical Aladdin cake mula sa Doughable ang mas nagpa-espesyal sa selebrasyon.

Forever Best Buddy

‎

Kinagawian na ng pamilya ang monthly photoshoot na nagiging daan upang i-dokumento ang monthly milestone ng kanilang unica hija. Hindi naman mawawala ang best sidekick na si Kuya Kidlat na kaniyang cutey-photoshoot buddy. 

‎

Paliwanag ni Mommy Viy, “Lagi pong bff ng Princess si Kidlat. Dahil gusto ko pag lumaki sila, mag bff sila,” ang monthly-tradition ay patuloy namang nagbibigay good-vibes sa netizens. 

‎Inulan naman ng mga nakakaaliw na komento at pagbati mula sa netizens ang Facebook post ni Mommy Viy. 

“‎Sa bawat cute na prinsesita, may kuya talagang kwela!”

“Ito talaga ang hinihintay ko tuwing photoshoot ni Tokyo! Cute Kidlat!”

“‎Happy five months baby, cute nyong dalawa!”

Angel Asay

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.