Viy Cortez-Velasquez Takes On Mom-Vlogging Challenge in Hong Kong Ocean Park

Ibinida ng Team Payaman member na si Viy Cortez-Velasquez sa bagong vlog ang mga tagpo sa unang out of the country trip kasama ang kanilang bunso na si Baby Tokyo. 

Nagpakitang gilas si Viviys hindi lang sa tungkulin maging isang ina, kung hindi pati bilang isa sa mga content creator na naimbitahang ipakita ang ganda ng Hong Kong Ocean Park.

Family of four

Hindi maitago ang pananabik ng bunsong si Tokyo Athena, pati ng panganay na si Zeus Emannuel, a.k.a Kidlat, na libutin ang Hong Kong Ocean Park kasama ang kanilang mga magulang.

Kahit mainit ang panahon, hindi nag-atubili ang mag-asawang sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at Viviys na ipakilala sa mga anak ang mga sikat na hayop sa lugar kagaya na lang ng HK panda twins na sina Jia Jia at De De na doon pinanganak. 

Kinilala at binisita rin ng Team Cortez-Velasquez ang iba pang panda sa lugar kagaya ng red panda na si Kong-kong at daddy panda na si Le Le; pati na rin ang sea lion na si Peema. 

Hindi rin nagpahuli ang pamilya na sumubok ng ilang rides kasama si Kidlat kagaya ng cable car.

‘PROMOTOR’

Matapos ang buong araw kasama ang pamilya, kinabukasan ay muling bumalik si Viviys nang mag-isa upang mas itodo ang pag-promote sa ganda ng Hong Kong Ocean Park. 

Humingi ang 29-anyos na mom-vlogger ng payo sa ilang mga kaibigan mula sa Team Payaman at kapwa content creators kagaya nina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, Yow Andrada, Vien Iligan-Velasquez, Tita Krissy Achino, at Zeinab Harake-Parks. 

Ilan sa mga natanggap niyang payo ay kung paano magsalita sa harap ng camera. 

Basta dapat energetic ka lang para masaya,” suhestiyon ni Junnie Boy.  

Galingan mo, sipagan mo,” ani ni Burong. 

Marami ka dapat joke tsaka punch line,” paalala naman ni Boss Keng. 

Para naman sa iba, importanteng gamitin ang buong lugar, pati na ang mga kasama. 

Kumuha ka ng kahit sinong content material diyan, palag na ‘yan,” ani Yow. “Kung ako ‘yan, lalaruin ko lahat ng perya games,” mungkahi naman ni Tita Krissy. 

Agad namang sinubukan ni Viviys ang samu’t saring aktibidad sa lugar katulong ang kaniyang bitbit na mga TP Editors na sina Carlo Santos at Cyrill Factor.

Sinigurado rin naman ni Viviys na ipakita ang bawat kanto ng lugar dahil sa mga rekomendasyon nina Vien: “Ang pinakakailangan mo diyan, maraming montage” at Zeinab: “Magshoot ka diyan sa buong lugar. Wag ka nang kumain.” 

Watch the full vlog below: 

Alex Buendia

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

20 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

5 days ago

This website uses cookies.