Clouie Dims Explore Vietnam’s Must-Try Foods with Team Payaman Girls

Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team Payaman Wildcats sa kanyang bagong YouTube vlog.

Sa kanilang pagbisita sa siyudad ng Ho Chi Minh, tampok ang masarap na pagkain, lokal na kape, at mga karanasang nagbigay kulay sa kanyang unang paglalakbay sa nasabing bansa.

Vietnam Foodtrip

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Clouie Dims ang kaniyang kauna-unahang karanasan sa Vietnam kasama ang kapwa Team Payaman Girls na sina Viy Cortez-Velasquez, Vien Iligan-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, Venice Velasquez, at Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino.

Unang gabi pa lamang ay sinimulan na agad ng grupo ang kanilang food trip sa Cục Gạch Quán, isang restaurant na inirekomenda ng isang sikat na content creator. 

Dito, natikman nila ang iba’t ibang Vietnamese dishes tulad ng chicken salad, fried squid, seafood fried rice, tofu, at isang beef dish na tinawag niyang ‘Beef Salpicao’ dahil kahawig nito ang lutong Pinoy.

Bago magpatuloy sa pangalawang araw ng kanilang trip sa Vietnam, ibinahagi ni Clouie na ang kanilang buong biyahe ay ‘very sponty’ o hindi masyadong planado, kaya’t nagiging random ang kanilang mga gawain.

“Very very sponty lang yung magiging trip namin dito. Wala talaga kaming ka-plano plano kaya random yung mga ginagawa namin. Mag-e-enjoy lang kami dito,” ani Clouie sa kanyang vlog.

Matapos nito, nagtungo agad ang TP Girls sa Cơm Tấm Ba Ghiền, na kilala sa isang online application bilang ‘Michelin Guide Broken Rice.’  Tampok sa kainan ang malaking serving ng kanin, grilled pork, fried egg, at gulay. 

Bukod sa pagkain, malaking bahagi rin ng kanilang trip ang pagtikim ng iba’t ibang klase ng kape sa Vietnam. Isa sa mga pinuntahan ng TP Girls ay ang Little Hanoi Egg Coffee, na matagal nang inaabangan ni Clouie bago pa man bumiyahe. 

Sa kanilang coffee crawl, sinubukan naman ni Clouie ang signature coconut coffee ng Cong Cafe. Kasunod nito, kumain sila sa Hải Sản Hoàng Gia, isang seafood restaurant, kung saan natikman ni Clouie ang king crab sa unang pagkakataon.

Sa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang kanilang food adventure sa Bếp Mẹ ỉn upang subukan ang kanilang mga bestseller, kabilang na ang beef skewers. 

Sa huling bahagi ng vlog, makikita ang kanilang pagbisita sa sikat na Cafe Apartment sa Ho Chi Minh City, isang gusali na puno ng mga coffee shop, kung saan nagkaroon sila ng masayang coffee tasting at pagkakataon para kumuha ng litrato.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming tagahanga ang natuwa sa bagong YouTube upload ni Clouie at ipinakita ang kanilang interes sa mga inirerekomendang kainan sa Vietnam.

@melodysab3486: “Mabuhay ka, Clouie! Salamat sa buhay mo at nakapag-upload ka ulit!”

@jeagrape: “Yay! Hindi na mahihirapan maghanap ng restos kapag pumunta sa Vietnam.”

@joanarosegarcellano: “Favorite ko talaga ‘to si Ate Clouie. Hindi nakakasawa panoorin mga videos mo po, Ate.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

13 hours ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

14 hours ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

2 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

2 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

2 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

3 days ago

This website uses cookies.