Categories: Uncategorized

Team Payaman Wildcats Go on All-Girls Trip to Vietnam

Isang much-needed vacation ang hatid ngayon ng Team Payaman girls matapos nilang lumipad pa-Vietnam.

Tunghayan ang mga nakakatuwa at hindi malilimutang tagpo sa kauna-unahang all-girls trip ng Team Payaman sa labas ng bansa.

TP Girls’ Vietnam Escapade

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo sa kanilang recent Vietnam trip.

Bukod kay Viy, kasama rin n’ya ang ilang TP Wildcats na sina Pat Velasquez-Gaspar, Vien Iligan-Velasquez, Clouie Dims, at Venice Velasquez.

Bago pa man tuluyang lumipad pa-Vietnam, isang prank ang hatid nila sa kapwa TP member na si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino.

Ayon kay Viy, naisipan nilang isama si Chino nang hindi n’ya alam. Naisipan din nilang gulatin na lamang ito at hindi paghandain sa kanyang mga dadalhin.

“Wala akong damit! Wala akong kahit ano!” inisyal na reaksyon ni Chino.

“Kawawa naman ‘yung tropa natin!” biro naman ni Pat.

Pagkalapag sa Vietnam, handa na agad ang Team Payaman girls para sa kanilang adventure.

Unang binisita ng TP girls ang kilalang tourist attraction na Cafe Apartment na kung saan excited silang masubukan ang ipinagmamalaking Vietnamese coffee.

Matapos nito, ipinamili naman ni Viviys ang kaibigang si Chino ng kanyang magagamit at masusuot habang namamasyal sa nasabing bansa.

Hindi na naitago ng Team Payaman girls ang kanilang mga reaksyon nang makita ang Vietnam-coded OOTD ni Chino.

Sunod naman sa kanilang must-visit ay ang mga Michelin rated restaurants at aesthetic coffee shops na matatagpuan malapit sa kanilang hotel.

Matapos kumain, muling namili ang TP Girls ng kanilang mga susuotin at mga pampasalubong.

Tinapos naman ng TP Wildcats ang kanilang Vietnam-venture nang masaya baon ang mga hindi malilimutang alaala kasama ang isa’t-isa.

Netizens’ Comments

Samantala, inulan naman ng mga nakakatuwang komento ang nasabing all-girls trip ng ilang Team Payaman members.

OngFam Unofficial: “Enjoy TP Girls!”

Jheiyssie Cah Niña: “Ang gaganda naman ng TP Girls! Love the freshness of Tyang Venice!”

King Almediere Azada: “Welcome to Vietnam Team Payaman girls!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.