Viy Cortez-Velasquez Shares Snippets of Kidlat’s and Tokyo’s Celebration

Isang buwan matapos ang kaarawan ng panganay na anak nina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV, isang pasilip ang hatid ni Mommy Viy para sa kanyang mga manonood.

Tunghayan ang mga tagpo sa nagdaang Spiderman-themed birthday celebration ni Kuya Kidlat at sa binyag ng unica hija nilang si Baby Tokyo.

Tokyo’s Christening

Sa bagong vlog ng Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez, ibinahagi n’ya ang ilan sa mga hindi malilimutang tagpo sa espesyal na araw ng mga anak n’ya na sina Zeus Emmanuel, a.k.a. Kidlat at Tokyo Athena.

Bago pa man magtungo sa selebrasyon ng kaarawan ni Kidlat, ginanap muna ang binyag ng kanilang unica hija na si Tokyo sa L’Annunziata Parish.

Dinaluhan ito ng kanilang mga kaanak at piling mga Ninong at Ninang na magiging kaagapay ni Tokyo sa kanyang paglaki.

Priceless Reaction

Dahil noon pa man ay hilig na ni Kidlat ang karakter ni Spiderman, minabuti nina Mommy Viy at Daddy Cong na bigyan ng Spiderman-themed birthday celebration ang anak na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaanak at kaibigan.

Hindi maitago ang tuwa ni Kidlat nang makita na ang inihandang regalong selebrasyon ng kanyang mga magulang.

Bukod sa celebrant, nagbihis superhero rin ang mga bisita upang mas matuwa hindi lamang si Kidlat, kung hindi pati na rin ang ilang mga munting bisita.

Kaliwa’t kanan na booth, activities, games, at giveaways ang sumalubong sa mga bisita, dahilan upang mag-enjoy pati na rin ang mga matatanda.

Nang tanungin ni Mommy Viy, nagpahayag si Kidlat ng kanyang pasasalamat at kasiyahan sa gitna ng kanyang selebrayon.

“I love you. Are you happy?” tanong ni Mommy Viy. Agad namang tumango si Kidlat at ibinida ang kanyang ‘happy dance.’

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.