Dudut Lang Prepares for Doubles Tournament in Pickleball Session with Team Payaman

Matapos ang kanilang basketball rematch sa Star Magic All Star Games, ibang sport naman ang pinaghahandaan ng Team Payaman vlogger na si Dudut Lang.

Sa pagkakataong ito, pinasok naman niya ang mundo ng pickleball—isang sport na unti-unting kinahuhumalingan ng Team Payaman.

‘Anbilibabol Pikelbol’

Sa unang bahagi ng vlog, masayang ibinahagi ni Jaime De Guzman, a.k.a  Dudut Lang, ang kaniyang paghahanda para sa pickleball session kasama ang kaniyang doubles partner na si Brylle Galamay, a.k.a. Bods.

Tinawag niya itong ‘Anbilibabol Pikelbol,’ na hango sa pangalang ‘Anbilibabol Basketbol’ na ibinigay ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, sa kanilang basketball team sa naganap na Star Magic All Star Games.

Pagdating sa Pickleball court, inisa-isang ipinakita ni Dudut sa kaniyang mga manonood ang mga gamit na tinawag niyang ‘pickleball essentials.’

Kabilang dito ang pulbos para sa kilikili at paa, at ang kanyang disposable contact lens. Ayon kay Dudut, malaking tulong ito para sa mga manlalarong ayaw ng abala sa salamin habang naglalaro.

Kasunod nito, binigyang-diin ni Dudut na hindi nila pangunahing layunin ang manalo, kundi mas mapalalim ang kanilang chemistry bilang doubles partners at matukoy ang kani-kanilang lakas at kahinaan.

“Hindi kami mag-e-expect na manalo ni Bods. Ang titignan namin ay ‘yung chemistry, strengths, and weaknesses ng bawat isa,” ani Dudut sa kanyang vlog.

Umabot sa apat na round ang friendly match nila laban sa parehong kalaban. Sa unang round, natalo sila sa score na 9–11 ngunit agad nakabawi sa ikalawang round na nagtapos sa 11–8.

Sa dikit na third round, muling nakalamang ang Team Dudut sa 12–10, kaya’t umusad sila sa tinawag nilang ‘championship’ round. Sa huli, kinilala nila ang naging mahusay na paglalaro ng kabilang panig matapos silang talunin sa final round sa score na 5–15.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong komento mula sa mga manonood ang bagong interes ni Dudut sa larong pickleball, habang ang ilan ay nagbahagi rin ng helpful tips para sa kanilang improvement.

@rochelleM0603: “More pickleball vlogs po. Haha! Usong-uso din po ‘yan dito sa US. Pansin ko lang po sa play niyo, hindi po kayo nakaready stance, laging nakababa yung racket niyo while waiting for your chance. Pero overall, galing!”

@krisjhonpapasin4078: “Nice game pa din, Dut! Practice more on dinking, sure ako mag i-improve ang game play ninyo.”

@chanongbanong420: “Solid ka talaga, Duts! Dudut lang all around!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.