Cong’s Anbilibabol Team Exchange Nonstop Hilarious Banter in Pre-Game Moments

Ilang araw bago ganapin ang Star Magic All Star Games, tampok sa vlog ni Cong TV ang kulitan at biruan ng Team Anbilibabol na pinangungunahan nina Burong at Boss Keng.

Tunghayan ang mga kaganapan sa Congpound matapos ang cosmetic procedure ni Coach JM, na naging dahilan ng mga biro at ang nakakatuwang panawagan mula sa ilang TP members.

‘Pogi vs. Pangit’

Bago pa man sumabak sa Star Magic All Star Games, ibinahagi ng Team Payaman headmaster na si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, ang mga tagpo kung saan naging sentro ng usapan ang new look ng kapwa nila TP member na si JM Macariola, a.k.a. Coach JM, matapos sumailalim sa nasal transformation.

Ayon kina Aaron Macacua, a.k.a. Burong, at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, tila hindi na raw kabilang sa kanilang tropahan si Coach JM dahil sa kanyang panibagong hitsura. Biro pa ng dalawa, iniwan na raw sila nito at lumipat na sa hanay ng mga ‘pogi.’

Kasabay nito, ikinuwento ni Cong na may pabirong hirit sa kanya sina Boss Keng at Burong na baka maaari rin silang sagutin ni Cong sa Belo Medical Group.

Ayon kay Cong, hindi siya ang tamang taong lapitan dahil hindi naman siya ang may-ari ng nasabing clinic. Dagdag pa niya, nanonood umano ng kanyang vlog ang mag-asawang sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, kaya’t mas mainam na sa kamera na lang iparating nina Boss Keng at Burong ang kanilang mensahe.

Sa gitna ng tawanan, napunta sa usapan nina Burong at Boss Keng ang kanilang tambalan bilang magkakampi sa Team Payaman. Biro ni Burong, kapag ang dalawang hindi pinalad sa itsura ay nagsama, mas lalo raw silang “lumulubog.”

Dahil dito, pabirong inanunsyo ni Boss Keng ang posibleng “katapusan” ng tambalan nila ni Burong, matapos niyang sabihin na mapupunta na si Burong kay Coach JM habang siya naman ay lilipat sa kampo ni Cong.

Agad namang umalma si Burong, na nagsabing hindi raw niya kayang iwan ang kaibigan na si Boss Keng, at kung sasama siya kay Coach JM, baka lalo lamang siyang “lumubog.”

“Bestfriend kita, boy. Hindi kita kaya saktan, boy. Kapag sumama ako kay JM, lalo akong lulubog d’yan, Pards,” ani Burong sa vlog.

Pagdating ng araw ng kanilang laban sa Star Magic All Star Games kontra Team Star Magic Shooting Stars, ikinasaya ng grupo ang personal na pagbisita ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa kanilang kuwarto.

Sa gitna ng masayang interaksyon, tinanong ni Dra. Belo kung sino ang susunod kay Coach JM. Pabirong itinuro ni Cong si Boss Keng, habang iminungkahi naman ni Yow na si Dra. Belo na mismo ang dapat mag-assess kung sino ang nangangailangan, bagay na ikinatawa ng buong grupo.

Sa pagtatapos ng vlog, itinampok ang mga highlights ng kanilang musical performance sa nasabing event, kung saan muling ipinamalas ng Team Anbilibabol ang kanilang talento sa loob ng Araneta.

Netizens’ Comments

Samantala, pinuri ng mga manonood ang dekalidad na produksyon at masayang samahan ng Team Payaman na naghatid ng aliw at damdamin sa marami.

@CreepyMcPancit: “Salamat Cong at Team Payaman sa pagpapasaya sa amin palagi!”

@yannihebron6864: “I was so stressed maghapon dahil sa problemang pang i-scam sa’kin pero thank you, Cong, for always making me smile. Solid Team Payaman since Congdo days!”

@tofu9257: “Ang ganda na ng performance, mas pinakaganda pa ng mga camera shots. Angas!”

@jopepg: “Sa sobrang saya at wholesome, naiyak ako. Ibang klase ang samahan ninyo.”

@MissYpp: “So close yet so far. Sayang talaga. Kaunti na lang sana panalo na, pero okay lang! Sobrang saya ng laban. Galing ng both team.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

3 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

5 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

5 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

5 days ago

This website uses cookies.