Reklamo? Suhestiyon? Problema? Sagot na ‘yan ni Chino Liu sa kanyang bagong ‘Kags, Help!’ podcast serye.
Alamin ang ng konteksto ng bagong podcast segment ng nasabing Team Payaman member at kung saan ito pwedeng mapakinggan!
Kamakailan lang, inanunsyo ng Kris Aquino impersonator, content creator, at public servant na si Chino Liu ang bagong aabangan mula sa kanya.
Bukod sa paggawa ng mga nakakatuwang contents online, isa sa mga hangarin ngayon ni Chino ay ang magkaroon ng mas personal pang koneksyon sa kanyang mga CHINstituents.
Sa isang Instagram post, buong galak na inanyayahan ni Chino ang kanyang mga followers na subaybayan ang kanyang bagong podcast segment.
“Kung ikaw ay merong tanong, reklamo, komento, suhestyon, mga gusto idulog… ‘wag lang mangungutang pero pwede mag-solicit! Listen to Kags, Help! with Chino Liu!” saad n’ya sa kanyang post.
Ang nasabing podcast ay naglalayong mapag-usapan ang mga napapanahong mga isyu, diskusyon, at maging mga nakakaaliw na mga paksa online.
Maaaring magpadala ng mensahe ang mga nais magbahagi ng kanilang mga kwento, at humingi ng payo na s’yang ipapalabas sa bawat episode.
Una nang inilabas ni Chino ang pilot episode ng kanyang podcast segment nitong Hulyo 30 na kung saan taas noo itong nakinig at nagbigay ng payo sa kanyang letter sender.
Kung hanap mo ay good vibes at mabilisang kwentuhan, sagot na ng ‘Kags, Help! With Chino Liu’ ‘yan!
Mapapakinggan na ang podcast serye ni Chino sa mga sumusunod na social media platforms:
Manatili ring nakatutok sa kanilang opisyal na Facebook at Instagram pages para sa karagdagang mga updates.
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.