Zeinab Harake-Parks Debunks ‘Attitude’ Allegations with Maris Racal

Isang buwan matapos ang kanilang paglahok bilang bride muse sa Inspired Beginnings 2025 bridal fashion show, isang masayang vlog ang hatid ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake-Park kasama ang aktres na si Maris Racal.

Sa kanyang bagong vlog, pinagsabay ng dalawa ang makeup session at kwentuhan habang isinasagawa ang ‘One Shot, One Makeup Challenge,’ na nagsilbing daan din para sagutin ni Zeinab ang ilang isyung lumabas kaugnay ng kanyang paglahok sa nasabing fashion show.

Debunking Attitude Allegations

Matapos ang bridal fashion show na ginanap noong June 28-29, 2025, umani ng ilang reaksiyon online ang YouTube vlogger na si Zeinab Harake-Parks dahil sa umano’y seryoso at malamig niyang ekspresyon sa runway.

Bago simulan ang kanilang ‘One Shot, One Makeup Challenge,’ binalikan nina Zeinab at ng aktres na si Maris Racal ang mga komento ng netizens tungkol sa viral video ng nasabing fashion show. Dito, binigyang-linaw ni Zeinab ang mga puna ng ilang netizens na tila inirapan umano niya si Maris at isa pang personalidad habang nasa entablado.

Ayon kay Zeinab, walang katotohanan ang mga isyung ito at nagkausap na sila ni Maris sa backstage bago pa man magsimula ang fashion show. Sa katunayan, doon pa nila unang napag-usapan ang planong kolaborasyon para sa vlog.

“Hindi dahil sa mga kumakalat na issue kaya kami nag-collab [ni Maris]. Nagkausap na talaga kami backstage pa lang,” kwento ni Zeinab.

Paliwanag ni Zeinab, ang kanyang hindi pagngiti at seryosong mukha sa runway ay bahagi ng pagiging propesyonal. Ayon sa kanya, ginaya lamang niya ang istilo ng mga international models sa mga fashion show abroad, kung saan mas seryoso at matapang ang mga ekspresyon habang naglalakad sa runway.

“Naiintindihan ko naman sila kasi nasanay silang lagi akong tumatawa at nagpapatawa. ‘Yun nga lang kasi, naging professional ako,” ani Zeinab sa kanyang vlog.

Dagdag pa ni Zeinab, maaaring nakadagdag sa maling akala ang kanyang matapang na mata, na aniya’y natural sa kanyang lahing Arabiana. Tiniyak naman ni Maris na wala silang alitan at agad pinabulaanan ang mga lumabas na haka-haka.

“Sobrang good vibes kami,” ayon kay Maris.

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa at nagpahayag ng suporta sa tambalan nina Zeinab at Maris, na pinuri dahil sa kanilang natural na samahan at masayang enerhiya sa vlog.

@princessmay7808: “The collab that we didn’t expect pero napaka solid ng dalawa to. Omg Zeinab Harake and Maris Racal in one frame, my god. [I] love you both!”

@jewengyplatigue8093: “Ate, tawa lang ako nang tawa the whole time! Girl power! Ang saya. More collab soon!”

@AthenaLopez-h2x: “Unexpectedly, they jive so well. Maris really is such a wonderful person. She can easily connect with anybody just by being herself.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 minute ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.