Viy Cortez-Velasquez Comes Back with a ‘Buwis-Buhay’ Team Payaman Fair Announcement

Isa na namang buwis-buhay content ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Alamin ang pakay ni Viviys sa kanyang paglipad patungong Cebu, at kung ano ang mga pasabog sa darating na Team Payaman Fair!

Kalayaan sa Cebu

Sa kanyang bagong vlog, inani na ng misis ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang papremyo sa nagdaang Kusina Warz ep. 4.

Ayon sa kanilang huling cook-off, ang sinumang magwawagi sa panlasa ng aktres na si Cristine Reyes ay s’yang magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng kalayaan. 

Bilang premyo sa nasabing patimpalak, lumipad si Viviys, kasama si Tita Krissy Achino at ilan sa kanyang mga editors sa Queen City of the South — Cebu!

Upang masulit ang kanilang day-off, agad na sinubukan ng Team Viviys ang ipinagmamalaking putahe ng mga Cebuano kabilang na ang Lechon de Cebu.

Sama-sama ring namili sina Viy at nag-ikot sa ilang mga malls sa nasabing probinsya. 

Hindi rin nagdalawang isip na sumabak si Viy sa mga buwis-buhay na mga aktibidad gaya ng pakikisaya sa club, pagsakay sa jetski, at pagsubok sa parasailing. 

Labis ang tuwa hindi lamang ni Viviys, kung hindi pati na rin ng kanyang mga kasama sa kakaibang trip na kanilang nasubukan sa Cebu.

TP Fair in Cebu

Sa huling bahagi ng vlog, ginulat ni Viy ang mga manonood nang sumubok din ito ng skydiving kasama si Tita Krissy Achino.

Bukod sa kanilang makapanindig-balahibong aktibidad, isang pangmalakasang anunsyo ang kanyang ibinunyag bago siya tuluyang tumalon.

“Dadalhin natin ang next TP Fair sa Cebu,” sigaw ni Viviys.

Samantala, marami sa mga manonood ang nagalak at labis na natuwa sa kakaibang content na hatid ni Viviys.

@Asuncion_JJ: “Goosebumps nung sinabi ni viviys na dadalhin niya TP Fair sa Cebu! Grabe na talaga narating ng TP nakaka proud!”

@allenguarin2036: “Yung kalayaan na hinahangad ng maraming nanay kahit 1day lang. Sana all Viviys!”

@GontherFreecs: “Viy might just be this year’s fil vlogger of the year!”

@Mendokuse-oh1ld: “Grabe talaga mag keep up si ate viy sa mga vlogs ni mossing, perfect combination. same mindset and same ideas talaga!”

Manatiling nakatutok sa official Facebook page ng Team Payaman Fair para sa mga susunod pang mga anunsyo!

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

6 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

17 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.