Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Reflect on Relationship in “Let’s Play Cards” Vlog

Sa pinakabagong vlog ni Zeinab Harake-Parks, muling nasilayan ng publiko ang mas personal at mas malalim na bahagi ng relasyon nila ng kanyang asawang si Bobby Ray Parks Jr.

Tunghayan ang tapat na pag-uusap ng mag-asawa tungkol sa kanilang unang impresyon sa isa’t isa, mga pagbabagong pinagdaanan, at mahahalagang aral na kanilang natutunan sa kanilang pagsasama.

Pre-Wedding Q and A

Sa pamamagitan ng isang card game na may kasamang mga personal na tanong, ipinamalas ng bagong kasal na sina Zeinab Harake-Parks at Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. ang kanilang pagiging bukas sa isa’t isa—mula sa mga unang impresyon at pagkakaiba sa paniniwala, hanggang sa mga pagbabagong idinulot ng kanilang relasyon sa kanilang pagkatao.

Isa sa mga unang tanong ay tungkol sa mga maling akala nila sa isa’t isa. Ayon kay Zeinab, noong una niyang makita si Ray, inakala niyang hindi ito seryoso pagdating sa relasyon. 

Dagdag pa nya, base sa panlabas na anyo at kilos, parang hindi ito ang tipo ng lalaking papasok sa isang seryosong ugnayan.

Kalaunan, napatunayan ni Zeinab na mali ang kanyang inaakala matapos niyang makilala si Ray bilang isang konserbatibo at responsableng lalaki.

Sa panig naman ni Ray, ibinahagi niyang una niyang inakala na si Zeinab ay may mataas na pamantayan at tila mahirap lapitan, lalo na’t palagi itong napapaligiran ng maraming tao. Ngunit habang lumalalim ang kanilang ugnayan, mas nakita ni Ray ang pagiging grounded at totoo ni Zeinab.

Bukod sa pagbasag ng mga maling akala, naibahagi rin ng dalawa ang mga positibong pagbabagong naidulot nila sa isa’t isa. 

Ayon kay Ray, tinulungan siya ni Zeinab na mas lumalim ang kanyang tiwala sa sarili at maging mas epektibong lider sa kanilang relasyon.

“You made me feel more as a man, which I’m very grateful for. Parang you allow me to lead. So, it made me feel like, okay, there’s this person that trusts me and I do have that quality in me to lead,” ani Ray sa vlog.

Samantala, si Zeinab naman ay mas naging bukas sa pananampalataya at mas naging mahinahon bilang ina—mga pagbabagong ipinagpapasalamat niya sa gabay ni Ray. 

Mula sa spiritual growth hanggang sa emotional maturity, kapwa nila inilahad kung paanong naging mas mabuting tao sila dahil sa impluwensiya ng isa’t isa.

“Hindi pwedeng dasal ka lang nang dasal. Kailangan mong makinig sa kanya para may maisagot siya sa’yo,” ani Zeinab. 

“Kasi ako, lumaki ako na dasal lang nang dasal, pero wala akong nararamdaman na sagot. Pero ngayon, dahil sa’yo, napaintindi mo sa’kin na magbasa ng Bible, pray ka muna before reading it, try to watch preachings, try to watch this, ganyan. So, sobrang na-appreciate ko yun kasi na open yung mind ko sa pagkakaroon ng faith,”  dagdag niya.

Netizens’ Comments

Umani ng positibong komento ang mag-asawang Zeinab at Ray mula sa mga manonood, na nagpahayag ng paghanga sa kanilang mabuting impluwensya sa isa’t isa at sa lalim ng kanilang koneksyon.

@ma.elisamanalo6477: “Grabe si Lord, ‘no? Kasi pinagtagpo kayong dalawa. Ito ‘yung perfect couple kasi ang good influence talaga sila isa’t isa. They are truly better together.”

@mom_of_one943: “Happy to see Zeinab’s growth in all aspects of her life—physical, emotional, health, intellectual, spiritual, family, etc. Ang layo na sa dati. Kudos to Ray for being an instrument of God in making that happen. Hoping you both start a podcast someday. Continue to be a great testimony of God’s amazing love and the beauty of having a personal relationship with Him. May God continue to bless you both and grant the desires of your hearts.”

@zitaabellanosa4520: “Ray is smart—but so is Zeinab. They both have depth and substance, kaya they gravitated toward each other. God truly works in mysterious ways.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.