OG YouTubers Speak Up: Love, Life, and Lessons with Baninay & Michelle Dy

Isang bagong youtube vlog muling nagsama ang dalawang kilalang personalidad sa mundo ng digital content creation sina Michelle Dy at Baninay Bautista.

Sa pinakabagong episode ng “Makeup Sessions” ni Michelle, tampok ang hindi lamang palitan ng beauty tips kundi isang malalim na usapan tungkol sa kanilang personal na buhay, karanasan sa industriya, at mga aral na natutunan sa paglipas ng panahon.

From Love Lives to Life Lessons

Sa unang bahagi pa lamang ng video, agad nang naghatid ng kilig at tawa ang biruan ng dalawa hinggil sa kani-kanilang mga love life. 

Hindi rin napigilan ni Baninay ang magpatawa habang proud na sinabing “Napakalaki ng jowa ko. Napakatangkad niya!” Kaya naman ang love story nila ng boyfriend niyang si Von, na almost seven years na, ay talaga namang #SanaAll para sa kanilang mga tagahanga. 

Ganoon din naman sa love life ni Michelle kung saan ibinahagi niya na kadalasan ay salitan sila sa pagbisita sa isa’t isa. 

Tinanong din ni Michelle ang tungkol sa past business ni Baninay at Von. Kwento ni Baninay, “Maraming nagnakaw sa amin. Feeling ko maraming hindi nababantayan.” Pero imbes na sumuko, bumangon sila at ngayon ay may sarili nang Airbnb/resort business, at may plano pang magtayo ulit sa ibang lugar. 

Behind the Vlogs, Beyond the Glam

Binalikan din nila ang pagiging OG YouTubers. Pareho silang nagsimula sa panahon na wala pang TikTok, IG reels, o short-form content. 

Kwento nila, noon ay araw-araw ang upload, tapos ikaw pa lahat  videographer, editor, talent, marketing. Kaya hindi rin madali, at umabot sa point na napagod sila. Sabi nga ni Baninay, “Noong pandemic, naging pahinga. After nun, ang dami nang nagbago.”

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.