Viy Cortez-Velasquez Gets Pranked in Her Own “Fortune Teller Prank” Vlog

Sa panibagong vlog ni Viy Cortez-Velasquez, muling ipinamalas ng Team Payaman vlogger ang kanyang husay sa pagpaplano ng prank.

Sa tulong ng kanilang kinuhang karakter, matagumpay niyang naisahan ang ilan sa kanyang kapwa TP members.

The Prank

Sa kanyang recent vlog, inisa-isa ni Viy Cortez-Velasquez ang kanyang mga kasamahan sa loob ng Congpound para sa kanyang plinanong ‘Fortune Teller’ prank.

Gamit ang isang hired actress na si Mrs. Carla Zarcal bilang huwad na manghuhula, matagumpay nilang naisakatuparan ang prank na puno ng nakakatawang hula at pagsasabwatan.

Sa tulong ng hidden earpiece at radio communication, tahimik na pinangunahan ni Viviys ang bawat galaw ni Mrs. Carla habang nasa isang hiwalay na silid.

Isa-isang pinaupo kasama ang fortune teller ang mga biktima kung saan hindi nila sila ay biktima na ni Viviys.

Hindi lang basta hula ang ginawa kundi sinabayan pa ito ng drama, nakakatawang prediksyon, at mga “rebelasyon” na halos ikaluha ng ilan sa kanila.

Ang unang nabiktima ay si Vien Iligan-Velasquez, na agad na napaniwala sa seryosong pagtitig at mabibigat na pahayag ng manghuhula. 

Sunod namang iniharap si Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy, na inakusahang may mabigat din na enerhiya at binalaan na posibleng magkaroon ng rabies. Ibinunyag din na hindi siya bumalik sa doktor matapos makagat ng aso, bagay na lalo niyang ikinabahala. 

Hindi rin nakaligtas ang asawa ni Viviys na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, na nagulat nang mahulaan ang kanyang arthritis. Nang banggitin ng huwad na manghuhula na maiiwan siya ng asawa, hindi ito nakitaan ng pag-aalala. Sa kabila ng tensyon, nanatiling kampante si Cong sa pagmamahalan nila ni Viy. 

Kasama rin sa mga nabiktima si Aaron Macacua, a.k.a. Burong, na halos maiyak sa pangambang mapuputol ang kanyang kamay kung hindi siya magpa-iniksiyon para sa anti-rabies. Naisahan din si Pat Velasquez-Gaspar, na pinaniwalaang mayroong anak sa sinapupunan at pinayuhang magtinda ng okra bilang solusyon sa kanyang problema.

Samantala, si Carlos Magnata, a.k.a. Bok, ay sinabihang makukulong at kailangang tumahol gaya ng aso upang maiwasan ang malas. Si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, naman ay pinayuhang ihinto ang pagpapagawa ng bahay at pinapa-ikot pa ang kamay bilang bahagi ng umano’y ritwal.

Reverse Prank

Matapos ang sunod-sunod na matagumpay na prank sa kanyang mga kasamahan, hindi inaakala ni Viviys na siya pala ang magiging huling “biktima” ng kanyang Fortune Teller Prank.

Sa tulong ni Cong TV na siyang utak sa likod ng prank, binaliktad ng ibang miyembro ng Team Payaman ang sitwasyon at pinaniwala si Viy na may malalang nangyayari sa kapwa TP member na si Steve Wijayawickrama.

Habang akala ni Viy na si Steve ang kanyang bibiktimahin, lingid sa kanyang kaalaman na siya pala mismo ang puntirya ng prank na inihanda ni Cong.

Sa kalagitnaan ng tensyon, inamin na ng Team Payaman ang kanilang isinagawang prank. Makikita sa vlog ang behind-the-scenes clip kung saan pinlano ni Cong TV ang lahat. Pinili nilang si Steve ang huling “manghihina” upang mas maging kapani-paniwala ang prank.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Celebrate Their Anniversary With a London Getaway

Naging espesyal ang anniversary trip ng Team Payaman couple na sina Viy Cortez-Velasquez at Cong…

2 days ago

Ninong Ry Cooks Up a Chinese Feast for Comedy Legend Vic “Bossing” Sotto

Sa pinakabagong vlog ng food at content creator na si Ninong Ry ipinasilip niya ang…

2 days ago

An Aesthetic Clinic Welcomes Yiv Cortez as the Newest Addition to Their Family

Excited na inanunsyo ng nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez ang isang…

4 days ago

Team Cortez-Velasquez Joins the Fun at Kidlat’s School Fun Run

Nakisaya sina Mommy Viy at Daddy Cong sa fun run ni Kuya Kidlat na ginanap…

4 days ago

Team Payaman’s Genggeng Shares a Glimpse of Life as UnionDigital Bank’s Social Media Manager

Isang pasilip sa kanyang buhay bilang estudyante at UnionDigital Bank social media manager ang hatid…

4 days ago

ADVERTISE THE VIYLINE WAY: Viyline Group of Companies Rolls Out Newest Ad Truck

Viyline Group of Companies CEO Viy Cortez-Velasquez proudly announced the official rollout of Viyline’s newest…

4 days ago

This website uses cookies.