This is the Ultimate Vietnam Shopping Guide According to Vien Iligan-Velasquez

Matapos ang Vietnam adVIENture ng Team Payaman momma na si Vien Iligan-Velasquez, isang bonggang shopping haul naman ang kaniyang hatid sa kanyang pinakabagong vlog.

‎Sa vlog, ibinida niya ang kanyang brand-new clothes at accessories mula sa iba’t ibang local markets, at street boutiques sa Ho Chi Minh City, Vietnam, na sinamahan pa niya ng kanyang mga praktikal na shopping tips at rekomendasyon.

‎Shopping Paradise‎

‎Mula sa abot-kayang presyo na ₱200 hanggang ₱2,700, ipinakita ng lifestyle vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang iba’t ibang uri ng damit at accessories na perfect para sa iba’t ibang okasyon – mula sa casual wear, pang-awra, hanggang sa mga pang-events. 

Kabilang sa kanyang mga pinamili ang halter tops, sandos, cute shirts, shorts, skirts, dresses, trousers, blouses, gowns, coords, sandals, eyeglasses, at bags.

Ayon kay Vien, ang iba’t ibang klase ng abot-kaya ngunit de-kalidad na damit, bag, at sandals sa District 1, District 2, at District 3 ng Ho Chi Minh City. 

‎Payo niya sa mga nagpaplanong mag-shopping sa Vietnam, “Alamin niyo na kung ano ‘yung meron sa District 1, kung ano ‘yung hinahanap niyo. Sa iba-ibang district, may iba-ibang branch.”

‎Shopping Tips

Para sa smoother shopping experience sa Vietnam, narito pa ang ilang mahahalagang tips mula kay Mommy Vien;

Pagdating sa pera at bayaran, paalala niya upang maiwasan ang abala, “Bago kayo pumunta sa cashier, tanungin niyo muna kung nagca-card sila or cash.” ‎

‎Dagdag pa niya pagdating sa sukat, “Medyo nalilito sila sa small and medium. So, sasabihin niyo lang, size S or size M. Tapos parang L lang sila meron madalas, wala silang Extra Large.” Iwasan ang paggamit ng “small, medium, large” at direkta lang na sabihin ang letrang S, M, o L.

‎Maigi rin na magdala ng komportableng damit at manatiling hydrated dahil sa sobrang init na panahon sa Vietnam. At para makatipid ng oras at makaiwas sa sobrang pagod, ayon sa kanya, “Alamin niyo muna ‘yung mga shop bago kayo magpalipat-lipat.” 

Hindi naman kinaligtaan ng Team Payaman adVIENturer ang mga masasarap at must-try na Vietnam street foods. “Guys, masarap ang food ng Vietnam lalo na ‘yung sa mga gilid-gilid lang. As in!” 

‎‎Sa kanyang vlog, muling pinatunayan ni Mommy Vien Iligan-Velasquez na bukod sa pagiging isang loving mom, isa rin siyang praktikal at fashion-savvy na shopper!

Watch the full vlog below: 

Angel Asay

Recent Posts

Team Payaman’s Clouie Dims Explores The Best Matcha Drinks in Siargao

Muling naghatid ng travel at food content ang Team Payaman vlogger na si Clouie Dims…

10 hours ago

SM at 40: Ivy Cortez-Ragos and Family Joins Celebration of SM Supermalls’ 4th Decade

SM has been a big part of Filipinos’ everyday lives, from family weekend bondings to…

10 hours ago

Doc Alvin Francisco Reveals the Hidden Truth Behind Your “Healthy” Favorites

Isa ka ba sa mga mahilig sa oatmeal, yogurt, granola bars, at ilan pang masustansyang…

24 hours ago

Team Payaman Opens ‘Playhouse Pickle’ Court to the Public

You didn’t see this coming, but for the love of the game, Team Payaman has…

2 days ago

Tokyo Athena Serves Cuteness In Recent Rapunzel-Inspired Milestone Shoot

Little Princess Tokyo Athena Velasquez is back and brighter than ever!  Bilang pagpapatuloy sa tradisyon…

2 days ago

Team Payaman’s Aaron Macacua Joins Pencilbox Comedy ‘Sun2kan sa Skydome’ This October

Patuloy na ipinapakita ng Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kanyang…

2 days ago

This website uses cookies.