Nagharap na sa isang basketball game ang Team Payaman Wild Dogs sa pamumuno ni Junnie Boy laban sa kampo ng kilalang shooter na si Mr. Long Bomb!
Alamin kung sino nga ba ang nagwagi sa tagpo nilang ito.
Si Harmz Hui, a.k.a ‘Mr. Long Bomb’, ay isang basketball content creator na nakilala sa kanyang galing sa pag-shoot ng bola mula sa malayo na tinawag niyang ‘Long Bomb’.
Hinamon ni Mr. Long Bomb ang Team Payaman member na si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa isang Long Bomb Challenge.
“Junnie Boy, hinahamon kita ng 1-on-1 kung kakayanin mo ang aking Long Bomb Challenge. Sana kumasa ka sa akin,” imbitasyon ni Mr. Long Bomb.
Sagot naman ni Junnie Boy, “Tara, magkita tayo. Kakasa ako sa Long Bomb Challenge mo!”
Maalalang noong Marso unang nagkaroon ng litrato na magkasama sina Junnie at si Mr. Long Bomb na biro nila ay para lang silang magkapatid.
Ngayong Hunyo naman, nagkaroon ng tsansang magharap ang dalawa sa basketball court.
Sa bagong YouTube upload ni Junnie Boy, ibinida niya ang bitbit na Cong’s Anbilibabol Basketball Team na kinabibilangan nina Boss Keng, Burong, Dudut Lang, Carding, Bok, Sonny J, at Cris.
Kwento ni Junnie, tumayo muna siyang Coach para sa Anbilibabol habang wala pa ang kanilang Playing Coach na kuya n’yang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
Una sa naging diskarte ni Junnie ay kausapin si Mr. Long Bomb na manatili muna sila sa bangko at hayaan ang mga players na mapagod sa mga unang yugto ng laro.
Noong dikit na ang mga puntos ay saka pumasok sa laro ang dalawang coach at nakitang epektibo ang naging diskarte ni Junnie na mawala ang init ni Mr. Long Bomb para makapuntos.
Subalit, sa huli ay nagwagi pa rin ang kampo ni Mr. Long Bomb at umuwing bigo ang Anbilibabol Basketball Team.
Labis namang pinuri ni Junnie ang shooting skills ni Mr. Long Bomb at nagpaturo pa siya rito ng ilang ‘celebration rituals’.
Nang makauwi ay agad na kinwento ni Junnie Boy ang naging laro ng Anbilibabol Basketball Team sa kanilang Coach na si Cong TV.
Watch the full vlog below:
Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…
It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…
Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…
From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…
Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…
Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…
This website uses cookies.