Doc Alvin Explains Women’s Hormonal Cycle and Announces New Supplement

Sa isang bagong IG reels upload, muling naghatid ng kaalaman ang resident Team Payaman doctor na si Doc Alvin tungkol sa kalusugan ng kababaihan.

Sa loob ng halos dalawang minuto, simple ngunit malinaw niyang ipinaliwanag ang iba’t ibang yugto ng hormone cycle at kung paano ito nakakaapekto sa mood, energy, at pangkalahatan na pakiramdam ng mga kababaihan.

Hormonal Cycle

Tampok sa bagong Instagram reels ni Doc Alvin John Francisco, a.k.a “Doc Alvin” ang malinaw at maikling paliwanag tungkol sa hormonal cycle ng kababaihan.

Ayon kay Doc Alvin, karaniwang nagsisimula ang cycle sa unang araw ng regla kung saan mababa ang hormone levels kaya mababa rin ang energy at motivation. Unti-unti raw itong tumataas kasabay ng pagbuti ng mood, sigla, at maging ang hitsura ng balat.

Sa gitna ng cycle ay ang ovulation stage kung kailan pinakamataas ang hormones. Dito raw mas malaki ang posibilidad ng pagbubuntis, kaya inilahad din ni Doc Alvin na mas sweet at masiyahin ang mga babae sa panahong ito.

Ngunit matapos nito, kung hindi nagdadalang-tao, muling bumababa ang hormones at maaaring maranasan ang pagka-iritable, bloating, at mood swings. 

Sa puntong ito raw madalas lumalabas ang mga isyu tulad ng PCOS, hormonal imbalance, at hirap sa pagbubuntis.

New Supplement Launch

Bilang tugon sa mga problemang ito, inanunsyo ni Doc Alvin ang nalalapit na paglabas ng isang bagong supplement sa ilalim ng Healthmate na makakatulong sa hormonal health ng kababaihan.

Inaanyayahan niya ang mga taga-suporta at tagapanood na samahan siya sa kanyang unang live selling sa TikTok shop ngayong June 6, 2025. 

Hinihikayat din ni Doc Alvin ang lahat na i-follow ang social media sites ng Healthmate para sa mga susunod pang update.

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

9 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.