Zeinab Harake Answers Wedding Questions In An Exclusive Wedding Q and A

Dahil nalalapit na ang inaabangang kasalan ng vlogger na si Zeinab Harake at fiancé n’yang si Ray Parks Jr., isang exclusive wedding tell-all ang hatid ni Zeinab para sa Team Zebbies.

Alamin kung ano nga ba ang bridal makeup look ni Zeinab at kung ano-ano ang kanilang mga paghahanda para sa nalalapit nilang pag iisang dibdib.

Trial Bridal Look

Isang espesyal na YouTube vlog ang hatid  Zeinab Harake para sa kanyang mga tagahanga. Isang wedding hair and makeup trial ang kanyang ginawa upang mapag-eksperimentuhan ang kanyang magiging histura sa araw ng kanilang kasal. 

Agad na ipinakilala ng excited bride ang kanyang mga pinagkatiwalaan pagdating sa kanyang Wedding Day look. Una na si Renz Pangilinan bilang kanyang hairstylist, at Paul Unating bilang kanyang makeup artist.

Ang kanilang goal ay isang “simple pero elegante” look—isang soft glam style na nagpapatingkad sa natural beauty ni Zeinab.

Habang patuloy s’yang inaayusan, ikwinento ni Zeinab ang kanyang nararamdaman sa kanilang papalapit na “Big Day”.

“Ang saya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Minsan naiiyak na lang ako bigla,” sagot niya. 

Naibahagi rin niya kung gaano siya ka-excited na maisakatuparan ang dream wedding nila ni Ray, na matagal na nilang pinaghandaan.

Quick Wedding Updates

Malayang nakapagpadala ang kanyang mga followers ng mga tanong pagdating sa kanilang pag iisang dibdib.

Nang tanungin kung paano niya nalaman na si Ray na ang “the one,” sagot niya, “Dahil sa kapayapaan na binibigay niya. Hindi ako kinakabahan, kalmado lang. Ramdam ko ‘yung security at pagmamahal.” 

Ibinahagi rin niyang hindi siya kinakabahan sa kanilang kasal, bagkus ay masaya at kampante siya dahil sigurado siya sa kanilang pagmamahalan. 

Ibinahagi rin n’ya na oras ang isa sa mga hamong kanilang kinakaharap habang patuloy na inaasikaso ang kanilang dream wedding. 

Ayon kay Zeinab, “Time management talaga. Ang daming kailangang ayusin, tapos syempre mommy duties pa, at content creation. Pero worth it lahat.” Aniya, mahalaga ang time management at panalangin para mabalanse ang lahat ng ito. 

Sa tanong kung sino ang unang umiyak sa proposal, agad siyang tumawa at sinabi, “Ako! Grabe ’yung moment na ’yun. Hindi ko in-expect, pero sobrang saya.” 

Ayon pa kay Zeinab, si Ray ay isang napaka-supportive na fiancé—tahimik pero ramdam ang pagmamahal. 

Sinabi ng 26 anyos na vlogger na napaka-blessed niya dahil napili niya ang mga malalapit niyang kaibigan bilang bridesmaids na sumusuporta at kasabay niya sa bawat hakbang ng paghahanda, kabilang na ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

4 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

15 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.