Cong TV’s Father, Papa Shoutout, Shares a Quick Mavs’ Farm Update

Sa pinakabagong vlog ni Papa Shoutout, masaya niyang ibinahagi ang progreso ng kanilang pinapagawang farmhouse sa Silang, Cavite. 

Tunghayan ang mga pagbabago at mga aktibidad na tiyak ikakatuwa hindi lamang ng kanilang mga anak, kung hindi pati ng kanilang mga apo.

Mavs’ Farmhouse Progress

Sa kanyang bagong vlog, isang pasilip sa farmhouse o Mavs’ Farm ang hatid ng ama ni Cong TV na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout.

Pagdating sa kanilang farm, agad silang naghanda ng almusal gamit ang sariwang itlog mula sa kanilang manukan. 

Ayon kay Papa Shoutout, umabot na sa 32 trays ang kanilang naaning itlog dahil sa paggamit nila ng vitamins tulad ng Vitamin Pro, Egg 1000, at bottle cap.

Habang pinapalambot ang baka para sa tanghalian, nagkwentuhan at nag-enjoy lamang sila sa kanilang simpleng pamumuhay sa farm. 

Matapos kumain, sinimulan na ang farmhouse tour. Ipinakita ni Papa Shoutout ang disenyo ng bahay na may tatlong kwarto na nakalaan para sa mga anak at mga manugang.

Mayroon ding master bedroom para sa kaniya at sa maybahay n’yang si Jovel Velasquez o mas kilalang Mama Revlon, isang spacious sala na may malalawak na bintana at walang haliging sagabal, dining area na may access sa dirty kitchen, at isang common CR para sa mga bisita at pamilya.

Sa labas naman, nakaplano ang pagbuo ng kanilang swimming pool bilang tambayan ng kanilang mga apo. 

Sa ngayon, wala pa raw silang kwarto kung saan maaaring magpahinga, kaya nag-desisyon silang magpatayo ng simpleng bahay sa farm. 

Ipinakita rin nila ang septic tank na halos tapos na, pati na rin ang mga tanim at alagang hayop sa paligid ng bahay. 

Ayon kay Papa Shoutout, nagsimula ang construction noong Marso, at ngayon ay finishing touches na lamang ang kulang.

Biniro pa niya na kung si Alex Gonzaga ay may “House Tour,” sila naman ay proud na may sariling “Farmhouse Tour.”

Quick Life Update

Sa pagtatapos ng vlog, nagbigay rin siya ng quick update tungkol sa kanyang anak na si Venice Velasquez, o mas kilala sa tanyag na ‘Tiyang Venice’. 

Nagtanong si Papa sa estado ng puso nito, at agad namang inamin ni Tiyang Venice na matagal na silang wala ng dati niyang kasintahan na si Yow Andrada. 

Komento naman ni Pat Velasquez, “open secret” naman daw ang sitwasyon ng dalawa. Sinabi rin ni Papa Shoutout na sa susunod niyang vlog ay makakasama niya si Tiyang Venice para sa isang life update.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.