Team Muyvien and Team Giyang Go On A Quick Out-Of-Town Trip

Isang quick at masayang out-of-town trip ang hatid nina Vien Iligan-Velasquez at Junnie Boy para sa Team Muyvien at Team Giyang.

Tunghayan ang mga tagpo sa hindi malilimutang summer getaway ng grupo nina Vien at Junnie Boy.

 

Beach Trip

Sa kanyang bagong vlog, buong galak na ibinida ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang mga tagpo sa kanilang inihandang out-of-town trip para sa kanilang mga editor at mga kasamahan sa bahay.

Nakisaya rin sa nasabing out-of-town trip ang dalawa nilang anak ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, na sina Mavi at Alona Viela. 

Labis din ang tuwa ni Vien sa kanilang napiling private accommodation, na ayon sa kanya ay swak para sa kanilang grupo.

“Perfect s’ya [‘yung lugar] sa amin. Perfect s’ya tapos tahimik. Lakad ka lang saglit tapos beach na!” kwento niya.

Isa ang paglangoy sa pinaka na-enjoy hindi lamang nina Mavi at Viela, kung hindi pati na rin ng iba pa nilang mga kasama.

Game na game na nagtampisaw ang magkapatid at pagkatapos ay sabay-sabay na nag salo-salo ang Team Muyvien at Team Giyang sa kanilang inihandang mga pagkain.

Movie Night

Bukod sa paglangoy, isang movie night din ang handog nina Junnie at Vien para sa kanilang mga kasamahan sa bahay.

Ayon kay Mommy Vien, matagal nang gusto ng kanilang panganay na si Kuya Mavi na mapanood ang Minecraft The Movie, dahilan upang mapagbigyan ang kanyang munting hiling.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.