OPM Favorite Matthaios Drops New Self-Produced Single, ‘Keep Going’

Muling nagbigay-sigla sa OPM scene ang talentadong TP Friend, song artist, at composer na si Jun Matthew Brecio o mas kilala bilang si Matthaios.

Nitong Abril 25 ay inilabas niya ang kanyang pinakabagong track na pinamagatang “Keep Going,” na agad humakot ng atensyon mula sa kanyang mga tagahanga at maging sa mga bagong tagapakinig.

Matthaios Be Wondering

Bago pa man ang “Keep Going,” matatag na ang pangalan ni Matthaios sa industriya ng musika sa Pilipinas dahil sa kanyang mga hit songs tulad ng “Catriona,” “Vibe With Me,” at “Want You Back,” na nagpasimulang humakot ng tagahanga simula noong 2019. 

Hindi lamang sa kanyang mga solo na awitin siya nakilala dahil naging malaking hit din ang “Nararahuyo,” isang collaboration niya kasama ang Team Payaman member na si Jaime Marino De Guzman, a.k.a Dudut Lang. 

Ang music video ng “Nararahuyo” ay nagtala ng kahanga-hangang mahigit 11 million views sa YouTube, patunay sa kanyang malawak na fanbase at appealing music.

Keep Going

Ang “Keep Going” ay nagtataglay ng mas personal na himig mula kay Matthaios. Siya mismo ang composer ng musika, sumulat ng lyrics, nag-produce, nag-mix, at nag-master ng kanta na nagpapakita ng kanyang dedikasyon at malalim na pagmamahal sa musika.

Kung susuriin ang official lyric video ng “Keep Going” na available sa kanyang YouTube channel, mapapansin ang timpla ng senswalidad sa mga linya nito, tulad ng “Paborito ko yung labi mo. Hindi mainit pero tagaktak ang pawis ko. Kada giling halata na inaakit mo.” 

Tunay ngang kapansin-pansin ang kakaibang tema, komposisyon, at kaakit-akit na tono ng kanta, kaya naman agad itong nagustuhan ng kanyang mga tagahanga.

Fan Reaction

Makalipas ang halos isang buwan ay umani na ang bagong kanta ni Matthaios ng halos dalawang libong streams sa YouTube at 26,000 streams sa Spotify. Ang mga positibong reaksyon mula sa mga tagahanga ay nagpapakita ng mainit na pagtanggap at excitement ng kanyang audience:

@cjcua7928: You sound so darn good! 🫶

@niledaliva8873: Sheesh kaka-chill

@fennexgaming5729: Naysssss 🫶

@daisyjanenoda:  Na-LSS ako dito

Sa pamamagitan ng “Keep Going,” patuloy na pinatutunayan ni Matthaios ang kanyang pagiging creative artist sa paglikha ng musika. 

Gayunpaman, ang positibong feedback at ang malawakang promosyon ng kaniyang bagong released song ay nagpapahiwatig na ang “Keep Going” ay may malaking potensyal na maging isa na namang hit sa OPM scene. 

Watch the lyric video here:  

Angel Asay

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

9 hours ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

1 day ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

2 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

3 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

3 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

4 days ago

This website uses cookies.